Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resignation ni Kris sa Ariel (P&G), ‘di tinanggap


“ARIEL didn’t accept my resignation. They want to keep me,” ito ang kaswal na mensahe ni Kris Aquino.

Matatandaang nagpadala na ng resignation letter si Kris sa Procter and Gamble bilang endorser ng Ariel laundry detergent nitong Enero 7 (Lunes) na inanunsiyo niya sa ginanap na presscon kasama ang mga abogado noong Enero 5 (Sabado).

Sa nasabing presscon ay nabanggit na 15 years siya sa P&G at okay na iyon kay Kris dahil malaki na rin naman ang nagawa nito sa kanya at dahil hindi pa niya alam kung ano ang magiging resulta ng series of medical check-up sa Singapore kaya minabuti niyang magbitaw bilang delicadeza.

Pero isa kami sa nagsabing ‘mukhang hindi tatanggapin ng Ariel ang resignation dahil nakita nilang loyal ka for 15 years.’

At heto nga, sumagot na ang P&G na hindi nila tinatanggap ang resignation letter ni Kris.

Magandang balita ito sa lahat ng supporters’ ng Queen of Online World dahil ibig sabihin, marami pa silang mapapanood na maraming TVC ng Ariel.

Samantala, tiyak na magugulat ang lahat dahil kahit inanunsiyo rati ni Kris na masama ang kondisyon niya ay marami pa ring kumukuha sa kanya bilang brand partners at ‘yan ang aabangan ngayong 2019.

As of now ay nagpapalakas si Kris para maghanda sa mga susunod niyang webisodes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …