Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, pinahaba ang role sa The General’s Daughter

NGAYONG hapon ang grand presscon ng The General’s Daughter sa Dolphy Theater at halos lahat ng katotong imbitado ay excited dumalo sa rami ng cast na tiyak na maraming ikukuwento tungkol sa bagong teleserye ng ABS-CBN na handog ng Dreamscape Entertainment.

Oo nga, biruin mo Ateng Maricris, napagsama-sama nila ang lahat ng magagaling at malalaking artista sa showbiz. Kung may baguhan man sa kanila tulad nina Ryza Cenon at Arjo Atayde, magagaling ding umarte at hindi nagpatalo sa mga bete­ra­nong artista tulad nina Albert Martinez, Eula Valdez, Janice De Belen, Paulo Avelino, JC de Vera, Tirso Cruz III, Maricel Soriano, at Angel Locsin.

Kasama rin sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na sa pakiwari namin ay may importanteng karakter sa TGD.

Heto na, nakikinita na naming isa sa kukuyugin ng mga tanong ay si Arjo para alamin kung ano ang status nila ngayon ni Eat Bulaga star, Maine Mendoza.

Hindi kasi dumalo si Arjo sa nakaraang presscon ng Jack em Popoy:  The Puliscredibles kaya hindi siya natanong tungkol sa aktres.

Ang tanong, sasagutin kaya ng aktor ang mga tanong tungkol sa kanila ni Maine para matapos na ang lahat ng haka-haka?

Anyway, ang ganda ng mga feedback sa trailer ng The General’s Daughter na ka-eksena ni Arjo sina Angel at Maricel na hindi nagpahuli.

In fairness, may nagsabi rin sa amin na dapat sana ay two weeks lang ang aktor sa TGD pero naging main cast na, “ang galing, eh.  Ang husay!” sabi ng creative consultant ng Dreamscape Entertainment na si Rondel Lindayag.

Abangan ang The General’s Daughter sa Enero 21, Lunes pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …