MATAGAL nang espekulasyon kung ano nga ba talaga ang iniindang karamdaman (that is, kung mayroon nga) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pilit siyang pinaaamin kung ano ang misteryosong sakit na ‘yon dahil nakasaad umano sa batas na responsibilidad ng Pangulo na ilantad sa taumbayan ang kanyang health condition.
Sa panahon ng kampanya’y maaari pang hindi obligahin ang mga kumakandidato to make any disclosure tungkol sa kalagayan ng kanilang kalusugan.
Kabaligtaran naman ang senaryong ito sa kaso ni Kris Aquino. Walang puwesto si Kris sa pamahalaan (and even during her brother Noynoy’s term ay wala rin), pero siya na mismo ang nag-iingay ng kanyang medical bulletin.
Sa kanyang IG account, pinatulan ni Kris ang isang netizen na nagsabing papansin daw siya makaraang isa-isahin niya ang kanyang mga sakit.
Bukod pala kasi sa chronic spontaneous urticaria na iniinda niya dahilan para mamula’t magkapantal-pantal ang kanyang balat ay mayroon din siyang hypertension, severe migraine, overproduction of thyroid antibodies, at fibromyalgia.
Sa dalawang huling nabanggit, we have yet to know kung ano ang katumbas ng mga ito in layman’s terms.
Pero sa ordinaryong pasyente na limitado ang kaalaman, maliwanag na mga sakit ito. At tanging mga dalubhasa lang ang nakaaalam ng lunas para roon.
For Kris to issue her own medical bulletin ay maiisip mo na daig pa niya si Digong sa pagiging transparent o tapat kaugnay ng kanyang sakit.
Tuloy, nag-advance kami sa pag-iisip that Kris can make a good national leader sa aspeto lang na ito. Wala kasi siyang itinatago sa publiko kompara sa maraming celebrities na magdadalawang-isip na isapubliko ang kanilang karamdaman.
Sa komentong KSP lang si Kris for posting such ay may sagot siya. Ayaw kasi niyang nagiging tampulan siya ng mga malisyosong espekulasyon tungkol sa kung ano ang estado ng kanyang kalusugan.
We all know nga naman kung gaano kalaganap ang mga fake news sa social media. Worse, kung matatandaan n’yo, nabalita pang sumakabilang-buhay si Kris.
Balido ang punto ni Kris. Hayaan n’yo nang siya na mismo ang mag-anunsiyo ng tungkol sa diperensiya ng kanyang pangangatawan kaysa naman imbentuhan ng mga kung ano-anong kuwentong wala naman ni katiting na medical basis.
Matatandaang colon cancer ang ikinasawi ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino.
Hangad naming malampasan ni Kris ang mga binanggit niyang sakit. Pero kung kilala nating lahat si Kris, isang maayos na lovelife lang ang gamot sa lahat ng ‘yan.
Kaso, waley.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III