Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin JC de Vera Paulo Avelino
Angel Locsin JC de Vera Paulo Avelino

Angel, may ibinuking ukol kina Paulo at JC

NAKAAALIW ang kuwento ni Angel Locsin na naubos kainin ni Paulo Avelino ang mansanas na props sa kinunang eksena nila sa teleseryeng The General’s Daughter na mapapanood na sa Enero 21, Lunes.

Sa solong presscon ni Angel para sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment ay kinumusta sa kanya ang dalawa niyang leading man na sina Paulo at JC de Vera.

Natatawang sabi ng aktres, “si Paulo first day palang kuha na niya ‘yung character niya, naalala ko mayroong apple sa table tapos ginawa niya, kinakain niya bilang props at hindi siya nandadaya, so kinakain niya bawat take, siyempre maraming shots at umabot na sa point na naubos na lahat ang mansanas, eh, ito na ‘yung close up (shot) namin.

Kukuha rin ako ng mansanas, mag-aaway kami sa isang apple, so ang ending, kumagat muna siya tapos ginulong niya tapos kinuha ko ‘yung apple so roon palang naramdaman na namin ang teamwork.

Dati kasi nang mag-‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya) hindi ko siya makausap kasi tahimik lang, pero rito sa ‘The General’s Daughter,’ madaldal siya, minsan nga siya pa ‘yung bumabangka. Kaya ang saya sa set kasi lahat ng makukulit pinagsama-sama ang gulo.”

Si JC naman ay matagal nang kilala ni Angel dahil nagkasama na sila sa programa ng GMA 7 na Click.

“‘Click’ palang magkasama na kami kaya nakita ko siyang mag-grow as an actor tapos ngayon may pamilya na siya, nakatutuwa kasi sobrang humble pa rin niya.

“Ang bait kasi ni JC noong pumasok siya, posible pala kasi ang bait na niya noon (bago pa), mas bumait pa siya ngayon at ang positive ng tingin niya sa buhay siguro bilang bagong daddy at ang ganda ng tingin niya sa world, ‘yung mga bagay na sa tingin natin may kaunting nega na, sa kanya positive pa rin niyang iaatake pa rin.

“Ang sarap katrabaho ng ganoon na walang complaints, thank you lang ng thank you sa lahat na maski hindi na dapat siyang mag-thank you.  

“Nakatutuwa silang dalawa. Nakatutuwa na magkaroon ako ng mga ganoong ka-eksena na kaya mong biruin sa gilid, pero ‘pag trabaho, seryoso sila sa passion nila,” paglalarawan ni Angel sa dalawang aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …