Thursday , June 4 2026

Kidnap-torture sa COA officials biro lang — Palasyo

NAUNA rito inilinawng Palasyo na ‘biro’ lang ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaki-kidnap niya at ipato-torture ang mga taga-Commission on Audit (COA).

Binanggit ito ng Pa­ngu­lo sa harap ng libo-libong punong barangays, kaga­wad, mga alkalde at iba pang bisita sa gina­wang Bara­ngay Summit for Peace and Order sa Pasay city, na sinundan ng malakas na tawanan ng audience. 

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Pane­lo, sadyang sutil lamang si Pangulong Duterte.

Kapag kinontra aniya ang ginagawa ng pangu­lo, lalo lamang siyang nanu­nutil o mang-aasar sa kani­yang mga kritiko.

Sa nasabing talum­pati ay nanawagan ang pangulo sa COA na huwag na huwag pigilan o hadlangan ang mga proyekto ng gobyerno dahil lamang sa pagsu­nod sa tinatawag na pro­tocols.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …