Sunday , December 22 2024
fire dead

Tindahan sa palengke natupok: Negosyante inatake sa puso

SA VALENZUEA, patay ang 53-anyos negosyante matapos atakehin ng sakit sa puso nang tupukin ng apoy ang kanyang tindahan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital (VGH) ang biktimang kinilalang si Lorenzo Primavera, residente sa Virginio St., Coloong II dahil sa cardiac arrest.

Ayon kay Valenzuela police chief S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 3:38 am, nang sumiklab ang sunog sa loob ng Polo Public Market sa likod ng 3S Center Building sa Sebastian St., Brgy. Polo sa nasabing lungsod.

Nasa 20 fire trucks ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP) ang nagresponde sa naturang lugar para pinagtulu­ngang apulahin ang sunog na umabot sa unang alarma.

Inaalam ng fire investigators kung ano ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa apat na tindahan kabilang ang puwesto ng biktima.

Idineklarang fire out ang sunog dakong 4:18 ng madaling araw.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *