“ANG New Year’s resolution ko…ang magka-love life.” Ito ang pahayag ni Piolo Pascual nang matanong siya ukol sa kanyang New Year’s Resolution.
Maaalalang matagal-tagal na since nagkaroon ng karelasyon si Piolo after ng break up nila ni KC Concepcion. Wala ng napabalita pang bagong karelasyon ang mahusay na actor.
May mga nali-link sa actor pero wala namang solid proof na maituturing . Kaya naman mukhang na-miss na rin ni Papa P na magkaroon ng espesyal na babae sa kanyang buhay.
Ang lovelife nga siguro ang kulang kay Piolo dahil successful naman ang kanyang career.
MATABIL
ni John Fontanilla
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com