Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards consistent sa kanyang thanksgiving sa entertainment press

LAST January 5 ay muling nakasama ng entertainment press si Alden Richards sa kanyang yearly thanksgiving party at ginanap ito sa pag-aari niyang Concha’s Garden Cafe sa Kyusi.

Ang maipupuri sa ating Pambansang Bae ay consistent siya sa pamamahagi ng kanyang blessing sa press bilang paraan niya para makapagpasalamat sa suporta sa kanyang career.

At tulad last year ay unlimited ang food at drinks at may pa-ice cream pa ang Magnolia na iniendoso ni Alden at Maine Mendoza. Pero siyempre hindi binigo ni  Alden ang mga reporter kabilang ang inyong kolumnista sa kanyang cash pa-raffle na umabot sa P150K.

Hindi man kami nanalo  sa raffle ay masaya kami lalo’t nakita namin ang sinseridad at pagmamahal ni Alden sa press at gusto naming pasalamatan si Ma’am Marian Domingo sa pag-iimbita niya sa amin sa nasabing event.

By the way, tuloy-tuloy ang paglago ng resto business ni Alden at tatlo na ang branch ng kanyang Concha’s at may sarili na rin franchise ng McDonalds ang Kapuso actor sa Biñan, Laguna na nakatakdang magbukas sa Abril.

Sa career naman ay gustong makagawa muli ng dramang teleserye ni Alden at maging busy rin siya sa kanyang international shows. 

****

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …