Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Red-baiting ‘inamin’ ng Palasyo (Walang masama — Panelo)

MAY dapat ikatakot ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil kilala ang organisasyon bilang kaalyado ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na isang terrorist group, ayon sa Palasyo.

“On their part. Because if you are doing certain illegal acts or you are identified with the left which is now considered, I mean, the organization – the CPP-NPA – as a terrorist group, then there is something to fear if you are identified with that group,” ayon kay Panelo nang usisain ng media kung may katuwiran ang paniniktik ng pulisya sa mga kasapi ng ACT.

“You know, you must remember that ACT is identified as a leftist organization. Maybe most of the members are not, but the leaders are,” dag­dag niya.

Sinabi ni Panelo na trabaho ng pulisya ang mag-monitor sa mga makakaliwang grupo bagama’t itinanggi na aniya ng Philippine National Police (PNP) ang ulat ng red-baiting sa mga guro.

Sa kabila nito’y, tini­yak ni Panelo na hindi patakaran ng adminis­trasyong Duterte ang paniniktik sa mga guro.

“Basta definitely iyong policy is not to surveil teachers,” sabi ni Panelo.

Kahapon ay sinibak ni PNP chief ang mga hepe ng intelligence division ng Station 3 ng Manila Police District (MPD), Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) at Zambales province dahil sa umano’y “leaked infor­mation.”

“As far as I’m con­cerned, wala akong pinir­mahang ganyan,” he said. “I will look into this, but as far as I’m con­cerned wala akong pinir­mahang ganyan,” ani Albayalde.

Ngunit inilinaw rin niya na ang “profiling” ay bahagi ng intelligence monitoring system ng pulisya.

“This is part of our intelligence monitoring lamang ito. Hindi naman ibig sabihin na kapag ini-profile ka… remember if you are part of… kung talagang sila ay proud na member ng ACT… ang tanong diyan, bakit ka takot kung wala ka na­man ginagawang masa­ma,” dagdag niya.

Matatandaan isiniwa­lat ng ACT ang memo­randum ng MPD sa Dep­Ed Manila na nanghingi ng inventory  ng kasapian ng kanilang organisasyon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …