Tuesday , December 24 2024
lovers syota posas arrest

Mag-asawa, menor-de-edad, 4 pa arestado sa droga

NASAKOTE ang mag-asawa at isang menor de- edad, habang apat  pa ang nasakote dahil sa pinaigting na anti-drug operations ng mga awto­ridad sa Malabon at Calo­ocan  Cities.

Dakong 3:30 ng ma­da­ling araw sa Malabon City, masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni Insp. Rolando Domingo ang mag-asawang suspek na  si Randy Ordejon, 48, at  si Marivic, 34, kapwa residente sa Gumamela Ext., Gen. T. De Leon, Valenzuela City sa buy bust operation sa kanto ng MacArthur Highway at University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon city.

Ani Malabon police chief S/Supt. Jessie Tamayo, narekober sa mag-asawa ang 11 heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu at buy-bust money.

Alas-kuwatro ng madaling araw sa Calo­ocan City huli sina  Roselyn Osorio, 18, alyas Amat, at ang kanyang kasamang 15-anyos na si alyas Totoy, kapwa residente sa BMBA Com­pound, 3rd Avenue, 2nd St., Brgy. 118, matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga sa P200 sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

Narekober sa mga suspek ang buy-bust money at tatlo pang plastic sachet na nagla­laman ng hinihinalang shabu. Ayon kay Calo­ocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head C/Insp. Rengie Deimos, habang isinasagawa ang ope­rasyon ay nadakip din ng mga operatiba si Niño Visco, 21, taga-Louis Asistio St., Brgy. 3, Sangandaan; at Crisanto Caguitla, 43-anyos, residente sa Gen. San Miguel St., matapos makuhaan ng plastic sachet na may laman na hinihinalang shabu.

Nauna rito, dakong 1:40 ng madaling araw nang madakip ng nag­papatrolyang mga tauhan ng PCP-8 si Frederick Camaya, 43, residente sa Brgy. Lo­ngos sa Kadima along P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya habang abala sa pagbusisi sa hawak na isang plastic sachet ng shabu.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *