Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

3 big-time tulak arestado sa P.4-M shabu (Sa sabungan)

TATLONG hinihinalang big-time na drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makom­pis­kahan ng P408,000 halaga ng shabu sa pagpa­pa­tuloy ng anti-illegal drugs at anti-criminality opera­tions sa lungsod.

Sa ulat ni QCPD Novaliches Police Station (PS4) chief, Supt. Rossel Cejas, ang nadakip ay sina Conrado Gonzales, 52, ng Caloocan City; Bernard Bailey, 41; at Arlene Puno, 43, ng Pasig City. 

Sila ay inaresto da­kong 12:30 am, kamaka­lawa sa harap ng Sta. Monica Cockpit Arena, Sarmiento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Nakompiska sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu na tinatayang P408,000 ang street value, dalawang ziplock ng pinatuyong dahon ng marijuana, drug paraphernalia, isang kalibre .45, isang maga­zine na may anim na bala, isang snubbed-nose cali­ber .38 revolver na may lamang limang bala, isang white Honda Civic (TPT 365), isang cellphone at  cash.

Dinakip ang dalawa, matapos bentahan ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer.                   (ALMAR DANGUI­LAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …