Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Taguig City debt-free na (P1.6-B utang ng dating admin bayad na ng lokal na pamahalaan)

BUENAS ang bagong taon para sa Taguig City dahil deklarado nang malaya sa utang na iniwan ng dating administrasyon.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, nakalululang P1.6 bilyong utang ng dating administrasyon ang nabayaran noong nakaraang buwan. 

Sa kabuuan, ang iniwang utang ng nakaraang administrasyon ay P1,226,609,848, idagdag pa ang P388,859,293 interes na buong nabayaran ng administrasyon ni Taguig City Mayor Lani Cayetano noong December 7, 2018, ani Atty. Voltaire Enriquez, officer-in-charge ng City Treasury Office.

Sino ba ang mag-aakalang pasan din pala ng Taguig ang naipasang utang dahil maunlad at napaka-progresibo.

Kung nabayaran na ngayon ‘yanm aba patunay lang na A1 magpalakad ng isang LGU si Mayor Lani Cayetano.

Saludo kami sa inyo, Mayora!

Conscious ang Mayora ng Taguig na hindi dapat sapitin ng mga residente kung ano ang hirap  na pinagdaanan niya noong siya ay nahalal na mayor noong 2010.

Matinding pananabotahe ng mga kalaban sa politika ang naranasan ni Mayora pero hindi siya nagpatinag sa pagbibigay ng magandang serbisyo para sa mga taga-Taguig. 

Para mabayaran ang lahat ng utang ng Taguig, kinailangan ng Cayetano administration na magta­bi ng pondo para sa utang. Sinimulan ito noong 2011 na umabot sa P220 milyon ng P3,745,000,000 ng total budget na nakalaan sa Taguig ay napunta sa pagbabayad ng utang.

Sa pinupuntiryang debt-free status, iniwasan ng city government ang mga luho at sobrang paggastos upang masiguro na mapupunta ang inilaang pondo sa tamang paraan, ani Enriquez.

“Take this example from the previous administration: imported mobile garbage bins that cost a debt of over P100 million. We did not engage in those things,” wika ng opisyal.

Sa kabila ng mga paraan para makabayad ng utang, hindi naman tinipid ng Cayetano ad­ministration ang pagbibigay ng mahusay at mabisang serbisyo para sa mga Taguigeño.

Bukod rito ay patuloy na nabigyan prayoridad ang mga pangangailangan ng Taguig, kagaya ng health, education at social services.

Sa katunayan, ang dating P5-million budget ng nakaraang administrasyon para sa mga scholarship ng estudyante ay itinaas ng P100 milyon kada taon mula 2011 hanggang 2016.

Nitong 2018, ang budget para sa scholarship ay nasa P650 milyon na. Dahil sa investment na ito, mahigit 47,000 post-high school scholars ang nabigyan ng libreng edukasyon sa mahigit na 200 kolehiyo at unibersidad.

Bukod rito, ang mga estudyante mula sa pampublikong paaralan sa Taguig ay may libreng edukasyon kaya ang mga magulang ay hindi na mamomroblema sa pagbabayad ng tuition ng kanilang anak.

Bagkus, ang kanilang ipon ay puwede na nilang itabi para sa mga pangangailangan sa bahay. Kasa­ma na rin sa pondo ng Taguig ang libreng school uniforms, bags, shoes, emergency grab bags, hygiene kits at raincoats.

Mayroon na rin moderno at maayos na gusali na may air-conditioned classrooms na naitayo para sa mga estudyante.

Sa kalusugan naman, ang mga pioneering program ay inilunsad kagaya ng Super Health Centers na bukas sa publiko 24/7, door-to-door delivery ng maintenance medicines para sa asthma, hypertension at diabetes kasama na ang ilan pang medical equipment kagaya ng wheelchairs, saklay at hearing aids.

Ang mga doktor na handang magresponde sa kahit anong medical emergency sa kahit anong oras sa pamamagitan ng Doctor-On-Call program, mga therapist at nurse na bumibisita sa mga bedridden na pasyente sa bawat bahay dahil sa Home Health program, at ang door-to-door anti-rabies vaccination para sa mga alagang pusa at aso, at iba pa.

Ang birthday cash gift naman ng senior citizens ay itinaas na rin sa P5,000 at ang mga lolo at lola sa Taguig ay may libreng eye check-up at prescription glasses sa pamamagitan ng Oplan Linaw program.

Kasunod pa nito, ang Persons with Disabilities (PWDs) ay mayroon nang birthday cash gifts at nabigyan na rin sila ng trabaho upang masiguro na matulungan sila sa pangangailangan sa pang-araw araw. Itinaas din ang burial assistance sa P20,000.

Ang lahat nang ito ay dahil sa maayos na pamamahala sa budget ng lungsod at maayos at tapat na tax collection ng siyudad, na ikinatuwa ng mga negosyante at namumuhunan.

Lahat ng mga programa at pagsisinop na ito ay patunay nang maayos at epektibong pamumuno na sinimulan ni Mayor Lani at siguradong ipagpapatuloy ni Direk Lino Cayetano na nangunguna sa survey sa pagka-alkalde ng lungsod. 

Sa hindi mabilang na accomplishments ng Taguig sa iba’t ibang serbisyo para sa mga tao, buo na ang tiwala ng mga tao sa pamumuno ng mga Cayetano. Hindi na sila susugal pa sa mga taong ang alam lang gawin ay mangutang at hindi naman marunong magpatakbo sa lungsod. 

Congratulations Mayora and welcome Direk Lino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *