Saturday , December 21 2024

Kilabot na tulak, nanlaban, patay sa enkuwentro

Bangkay na itinanghal ang isang kilabot na tulak ng ilegal na droga matapos manlaban at maki­pagbarilan sa pulisya sa isang buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat mula kay Supt. Carl Omar Fiel, hepe ng Sta. Maria police, ang napatay na suspek ay kinilalang si Jona­than Genio alias Atan, 30-anyos, residente sa NDR, Brgy. Ca­machile, Balin­tawak, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong 10:00 pm  kamakalawa nang magsa­gawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa suspek.

Nang mag-positibo sa drug deal at akmang aarestohin ng mga awtoridad ang suspek ay biglang pumalag at bumunot ng baril.

Agad  nakaganti ng putok ang police opera­tives na nagresulta sa kamatayan ng suspek.

Nabatid na si Genio ay bumibiyahe patungong Bulacan mula Quezon City para mag-supply at magbenta ng ilegal na droga sa Sta. Maria.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng enkuwentro ang isang kalibre .38 baril, mga bala, plastic sachet ng shabu, buy-bust money at cellphone na ginagamit ng suspek sa pakikipag­transaksiyon sa mga drug user.

(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *