Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, may pa-block screening kina Kim at sa ‘naudlot na sister in law’

KADARATING palang ni Kris Aquino kamakalawa, Enero 4, mula sa 12 araw na bakasyon sa Tokyo, Japan at heto muli na naman siyang lilipad patungong Singapore sa Linggo para sa kanyang medical check-up sa loob ng dalawang linggo.

Bahagyang nabanggit ito ni Kris sa kanyang IG post na susuportahan ng bunso niyang si Bimby ang pelikulang Mary Marry Me ngayong araw, Enero 4.

Aniya, “I leave evening of the 6th for Singapore, we’ll be away for 2 weeks for my medical evaluation. Please like this post & tag @fonziru or @jacksalvador if you want to watch Mary, Marry Me with @cathygonzaga& Bimb? #lovelovelove.”

Kasabay din ng post ng video invite ni Bimb na inaanyayahan ang Ate Cathy (Alex Gonzaga) niya na manood sila ng pelikula at pinasalamatan naman siya ng aktres. Hindi naman makaka­sama si Kris dahil may shoot siya ng Zalora.

Bukod sa Mary, Marry, Me, mag-i-sponsor din ng block screening si Kris para sa mga pelikulang One Great Love at Rainbow’s Sunset.

Aniya, “On the 5th I’m hosting back to back block screenings for @chinitaprincess & @milesocampo for ONE GREAT LOVE and RAINBOW SUNSET for my naudlot na sister in law @harlenebau.”

Inunahan na kaagad ni Kris ang mga intrigero at intrigera na bakit ang mga nabanggit na pelikula lang ang susuportahan niya, paano naman ang mga pelikula nina Coco Martin na malapit niyang kaibigan at Vice Ganda na bff niya.

Ang paliwanag ni Kris, “Just to clarify & avoid unnecessary intrigue I had called @motherbibs_arboleda (manager ni Coco) to ask if I may host for @cocomartin_ph & Bimb had communicated with his tito Vice @praybeytbenjamin for Fantastica. I am watching #Aurora of @annecurtissmith on my own because the horror genre will always be my favorite.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …