Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Calvin, ‘di ‘salot’ sa career ni Vice Ganda

NAKAISANG linggong mahigit na ng pagpapalabas ng Metro Manila Film Festival entries. At tulad ng karera ng kabayo, ang entry ng binansagang “horse beauty” na si Vice Ganda ang umaarangkada.

Surprising? Hindi.

Sa katunayan, ilang taon na namang sumisipa (kabayo pa rin ang peg!) ang mga MMFF entries ng gay TV host-comedian. At sumahin natin hanggang sa kahuli-hulihang araw ng festival doon ay taglay ni Vice Ganda ang suwerte sa takilya.

Partida na nga kung tutuusin ang kanyang entry, compared sa kalaban niyang kina Vic Sotto at Coco Martin na Graded A ng Cinema Evaluation Board, ang kay Vice Ganda ay hindi nabigyan ng mataas na grado.

Surprising? Hindi rin.

Ever since naman, wala ni katiting na pretensiyon si Vice Ganda na quality movie ang entry niya. Sapat nang mapasaya niya ang kanyang mga manonood, kaya nga merry dapat ang Christmas, ‘di ba?

Pahiya rin ang nagsasabi noon na panira lang sa box office ng kanyang Fantastica movie ang nali-link sa kanyang basketbolistang si Calvin Abueva.

Paanong naging jinx si Calvin samantalang “fantastic” din ang kinikita ng kanyang rumored girlfriend (rumored girlfriend daw, o!)?

Bigla tuloy gumuhit sa aming alaala ang pelikula noon ni Ai Ai de las Alas noong nasa ABS-CBN pa siya. Ito ‘yung Star-Cinema produced movie na Past Tense kasama sina Kim Chiu at Xian Lim.

Sa standards kasi ng film arm ng nasabing network ay flopchina ‘yon. Pero depensa ni Ai Ai, hindi pa raw ba dapat ikasiya ng Star Cinema na kahit paano’y kumita ito?

Sinisisi ng Star Cinema ang naging promo slant in drumbeating the movie. Sumentro kasi noon ang publicity sa lovelife ni Ai Ai who had (and still has na asawa na niya ngayon) a much younger partner sa katauhan ni Gerald Sibayan.

Ang paninising ‘yon ang naging mitsa tuloy ng pagkadesmaya ni Ai Ai sa ABS-CBN, hence ang paglipat nga niya sa GMA noong 2015.

Back to Vice Ganda.

Pinatunayan lang ng beking TV host-comedian na hindi “salot” sa kanyang career si Calvin sa kabila ng rumored affair nila.

So, what is this telling us?

Na mas tanggap pa pala ng publiko ang same sex relatiobships kaysa mga May-December affairs?

Para mas matanggap na lang natin ang katotohanan, it’s safe to say na ang kapalaran ni Vice Ganda ay hindi kapalaran ni Ai Ai.

Dahil in the first place, Vice Ganda and Calvin cannot end up as a married couple. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …