Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot na miyembro ng ‘basag-kotse’ todas sa shootout

DALAWANG miyembro ng sinasabing ‘basag kotse gang’ ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa  Brgy. Greater Lagro sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng  dalawang napatay na armado ng kalibre .38 baril.

Sa ulat kay  C/Supt. Joselito Esquivel Jr., director ng QCPD,  nakatanggap ng reklamo ang QCPD Station 5 tungkol sa insidente ng pagnanakaw.

Nagreklamo sa pulisya ang biktimang si Joe Ismael Pajanustan ng Fairlane St., Brgy Greater Fairview, dahil binasag ang salamin ng kotse ng kanyang anak  na nakaparada sa harap ng kanilang bahay.

Tinangay ng mga magnanakaw ang isang tablet na nagkakahalaga ng P25,000 at laptop na may halagang P20,000.  Ang shootout ay naganap dakong 12:30 ng madaling araw sa Lilac corner Gabriel streets, sa Brgy. Greater Fairview.

Dakong 12:30 am, nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad at naispatan ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo sa Lilac St.

Pinahihinto ng mga pulis ang mga suspek pero imbes huminto ay pinaharurot nang takbo ang motorsiklo at nagpaputok ng baril kaya nagkaroon ng ‘running gun battle.’

Napagsalikupan ng mga awtoridad ang dalawa pero hindi pa rin sumuko at piniling lumaban na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober mula sa dalawang suspek ang dalawang kalibre .38 revolver, mga bala at nabawi rin ang laptop at tablet ni Pajanustan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …