Monday , August 11 2025

Diokno ‘sumibat’ sa ‘tate — Andaya (Sa P75-B budget insertions)

Hataw Frontpage Diokno ‘sumibat’ sa ‘tate — Andaya (Sa P75-B budget insertions)
Hataw Frontpage Diokno ‘sumibat’ sa ‘tate — Andaya (Sa P75-B budget insertions)

BINATIKOS muli ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., si Budget Secretary Benjamin Diokno dahil sa pagkilos nito taliwas sa kanyang mga pananalita.

Ayon kay Andaya, tumakas si Diokno patu­ngong Estados Unidos imbes harapin ang mga kongresista sa pagdinig ngayon sa Naga City patungkol sa, umano’y P75-bilyong pondong isiningit sa panukalang budget para sa 2019.

“Bumatse. Sec. Diokno is in the United States, how can we invite him? What happened to his ‘job first before leisure’ statement? His presence is very important to shed light on his questionable practices in the budget process. For the sake of transparency and accountability, he should explain and come clean,” ani Andaya, ang pinuno ng House committee on rules.

Nauna nang sinabi ni Diokno ang katagang “duty first before leisure” sa mga mambabatas ha­bang hinimok niya sila na ipasa nang maaga ang panukalang pambansang budget noong nakaraang Disyembre.

Inimbitahan si Diokno upang magpaliwanag patungkol sa umano’y mga katiwalian sa pag­gamit ng pera ng bayan sa mga distrito ng mga mambabatas.

Itinanggi ni Diokno ang mga paratang.

Ayon kay Andaya, itutuloy nila ang pagdinig kaugnay sa mga kon­trobersiyang bumabalot sa ‘flood control scam’ at iba pang mga katiwalian sa mga proyekto sa Bicol region kahit wala si Diokno.

“We will proceed with the probe despite his (Diokno’s) absence. It’s his loss, not ours,” ani Andaya.

Nakahanda na ang komite sa pagdinig nga­yong 10:00 am sa Avenue Plaza Hotel sa Naga City, higit dalawang oras ang biyahe mula sa Legazpi City.

Kasama ni Andaya ang ilang mga kongre­sista na sina House Mino­rity Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, senior House Deputy Majority Leader at 1SAGIP party-list Rep. Rodante Mar­coleta, COOP NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo at Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, Jr.

Bumiyahe rin ang ilan sa mga House reporter patungong Naga para mag-cover sa pagdinig.

Naglabas ng sub­poena ang Kamara para padaluhin ang mga contractor at mga engineer na umano’y kinalaman sa anomalya.

Ayon kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano dapat dumalo si Diokno sa pagdinig.

“Without assuming who the real culprits behind these multi-billion [peso] insertions are, an investigation is deemed proper since we are talking about the people’s money. Secretary Diokno, being the budget chief, is most fitting to answer these allegations,” ani Alejano.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Philippine Sports Commission PSC

PSC: Mga Rehiyonal na Sentro ng Pagsasanay, Susi sa Patuloy na Tagumpay                                                                                                                                                              

CHENGDU, China — Nais ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Patrick Gregorio na …

080825 Hataw Frontpage

Kawasaki Motors PH naghain ng notice of lockout vs unyonista

HATAW News Team NAGHAIN ng notice of lockout ang Kawasaki Motors Philippines Corp. (KMPC) laban …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *