Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Working permit sa dayuhan ipinatitigil ng DOLE

GUSTO nang ipatigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-iisyu ng Bureau of Immigra­tion ng “permit to work” sa mga dayuhang gustong magtrabaho sa Filipinas.

Sa harap ito nang nadis­kobreng paglobo ng bilang ng mga dayuhang nagta­trabaho sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na  umaabot na ngayon sa 115,000 ang mga dayuhang may taglay na alien employ­ment permits.

Ayon kay Bello, malaking porsiyento o mahigit 50,000 ay pawang mga Chinese national.

Ang pagtatalaga aniya sa BI para mag-isyu ng alien employment permits ay ipinagkaloob dati ng mga naunang kalihim ng DOLE.

Sa ngayon ay hinihingi ni Bello ang resulta ng validation kung nakasusunod ba ang mga dayuhang manggagawa sa itinatakda ng labor laws ng bansa.

Kabilang aniya sa mga trabaho sa Filipinas na puwedeng maging basehan ng pag-iisyu ng AEP ay mga trabahong hindi kayang gawin ng mga ordinaryong manggagawang Filipino tulad ng pagiging interpreter, acupuncture at iba pang high skilled jobs.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …