MAY tips pala ang showbiz psychiatrist na si Dr. Randy Dellosa sa mga kabataang binu-bully. Ipinaskil n’ya ang tips sa Facebook (FB) account n’yang Randy Misael Dellosa.
“Showbiz Psychiatrist” ang bansag sa kanya dahil sa kanya ipinakonsulta ni Kuya ng reality show na Pinoy Big Brother sa ABS-CBN ang housemates na nagkakairingan habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pero isa rin siyang Psychologist. Doctor of Medicine siya at Doctor in Psychology din.
Mukhang kopya ng ulat ng Philippine News Agency (PNA) ang ipinost ni Doc Randy sa FB n’ya dahil may note sa simula na PNA Interview. At para umikli ng kaunti ang ulat, bahagya rin naming in-edit ito. Alam n’yo na sigurong kabilang ang FB post ni Doc sa mga reaksiyon sa nag-viral na post tungkol sa isang pandak na estudyante sa isang exclusive Catholic high school for boys ang nambugbog sa isang kamag-aral n’ya sa loob ng comfort room ng eskuwelahan.
- MAGSUMBONG. Never keep it a secret. Kaya ka napiling i-bully ay dahil ramdam ng nambu-bully sa iyo na ililihim mo lang ang nangyari. Empower yourself by telling adults such as your teacher, your parents, parents of classmates, your guidance counselor, your principal, prefect of discipline, security guard, etc. These are people who will want to protect you.
- HUWAG MANLABAN. Don’t physically fight back kung hindi ka proficient sa martial arts. The bully is usually bigger and stronger than you and baka may “resbak” pa siyang kasama. You may be endangering your life kung manlalaban ka pa. Umiwas ka na lang at tumakbo. Mas mabuti nang matawag na duwag kaysa mapahamak pa ang buhay mo.
- GAWING SHIELD ANG FRIENDS MO. Surround yourself with friends maski papauwi ka na mula sa eskuwelahan. Mas ita-target ka ng bully ‘pag alam niyang mapag-isa ka. There is strength in numbers. Ask help from your friends. True friends will actually step up and want to protect you.
- KUMONSULTA SA GUIDANCE COUNSELOR. Kakampi mo siya. Huwag mong kimkimin ang emotional trauma from bullying. Kung nade-depress ka o nagkaka-anxiety attack na, humingi ka ng professional help from a psychologist or psychiatrist kaysa naman lumala pa ang trauma.
- HUWAG IBALING SA IBA ANG GALIT. Huwag ka ring mam-bully. Mas mabuting mailabas mo ang sama ng loob mo through counseling, physical exercise, art, or other activities imbes na ibuhos ang galit sa iba.
- ‘DI KA NAG-IISA. Realize na hindi lang ikaw ang biktima ng bullying. Tahimik din lang ‘yung ibang bully victims sa school mo. Kung gusto mong makilala, makausap, at maka-relate sa schoolmates mong binu-bully din, i-request mo sa guidance counselor na pagtipunin kayo for a group therapy session.
- HINDI KA MAHINANG TAO. ‘Wag kang maniwala sa mga insulto ng bully sa iyo. Hindi ka masama, pangit, o mahinang tao. Remember that ‘yung behaviors ng bully—‘yung pang-abuso at pananakit niya sa iyo ang masama, hindi ikaw.
Pagtatapat pa ni Doc Randy: “I remember na na-bully din ako noong nasa grade school ako. Kinuwelyuhan pa nga ako at inangat ng mga 2 feet sa air dahil maliit at patpatin ako. Dinedma ko lang naman ‘yung pangyayari, pero sa pagtanda ko, ang karanasan kong ito ang nag-inspire rin sa akin na tumulong sa victims ng bullying.
“Lampasan niyo lang itong bad episode ng buhay niyo… Later on, baka mabigyan kayo ng pagkakataon na makatulong din sa mga biktima ng pambu-bully…”
ni Danny Vibas