Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Nishiuchi
Hiro Nishiuchi

Hiro, sabik nang magbalik-‘Pinas

LOOKING forward at excited na ang Japanese actress-model at 2014 Miss Japan-Universe 1st runner-up na si Hiro Nishiuchi na muling makabalik sa Pilipinas.

Ilang beses nang nakapunta sa Pilipinas si Hiro (na itinalagang Philippine Tourism Fun Ambassador para i-promote ang Pilipinas sa Japan) at talaga namang napamahal na sa dalaga ang ating bansa.

Kung puwede nga lamang na manirahan na siya sa Pilipinas ay ginawa na niya.

Ang goal ni Hiro na Promote Fun in the Philippines through International Conversations ay may layuning hikayatin at magbigay-kaalaman sa mga tao na nakikilala niya sa iba’t ibang panig ng mundo.

May mahigit 30 bansa na siyang napuntahan at nakapaglabas na rin siya ng isang libro tungkol sa mga napuntahan niyang lugar.

Ayon pa kay Hiro, mahal niya ang Pilipinas, ang mga tao rito pati na ang iba’t ibang pagkain natin. Ilang magagandang lugar na rin ang narating niya rito gaya ng Palawan, Iloilo, Cebu, at Bohol.

At since love niya ang Pilipinas kaya pwede rin niyang ikonsidera ang pagkakaroon ng kasintahan dito kung sakali.

Sa ngayon, abala si Hiro sa mga charity works niya sa Japan pati na rin sa pagiging aktres at modelo roon.

Patuloy niya itong gagawin at kapag nagkaroon ng pagkakataon ay aayusin na niya ang schedule niya para makapunta muli sa Pilipinas. Excited na si Hiro na balikan ang paraisong isla ng Boracay lalo pa nga at bumalik na ang kagandahan nito matapos ang anim na buwang pagpapasara para sa rehabilitation nito upang mailigtas ang isla sa pagkasira.

(ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …