Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, nadamay sa suwerte nina Kris at Thea

MALIGAYA si Rayver Cruz na mataas ang ratings ng pinakauna niyang drama series sa GMA, ang Asawa Ko, Karibal Ko.

“Siyempre sobrang nakatutuwa, masaya ako kasi nga ayaw ko rin na parang ‘yung first show ko walang masyadong manood.

“Andoon din kasi ‘yung fear, hindi naman mawawala ‘yun, na baka hindi mag-rate. As an artist… alam mo ‘yun?

“Pero alam mo ‘yun, just trust the process, trust the story and tiwala sa team and of course napakahusay din ng director namin, award-winning director si direk Mark (Sicat-dela Cruz).

“Ang galing lang din niyong mga writer, tulong-tulong din.

“Of course ‘yung dalawang leading lady dito sobrang galing nila,” pagtukoy ni Rayver kina Kris Bernal at Thea Tolentino.

“And parang wala naman yatang history sina Kris at Thea na hindi pumi-pick up ‘yung shows nila.

“So thanks guys, thank you guys,” ang tumatawang pasasalamat ni Rayver sa mga kasama niya sa Asawa Ko, Karibal Ko.

“Sabi ko nga sa kanila, nadamay ako sa kanila kasi lahat ng shows nila, nagre-rate, eh.

“So nakatutuwa, nakatataba ng puso, lalo na ‘yung mga tweet ng mga tao, ‘yung mga comment, abangan pa nila ‘yung mga mangyayari.

“Nakakaganang magtrabaho, nakakagana. Nakaka-inspire lalo umarte and gumawa ng mga magagandang eksena para sa mga viewer.”

So tamang desisyon ang pagbalik niya sa GMA?

“Oo. Kasi sa tingin ko naman basta’t gusto mo ‘yung ginagawa mo and sariling desisyon mo, wala namang mali.”

Open si Kris na naging crush nito si Rayver, na masaya ang Kapuso actress na kung dati ay napapanood lang niya si Rayver ngayon ay leading man na niya.

“Palagi namang sinasabi ni Kris ‘yun, eh. Siyempre, idol ko ‘yun, eh!”

May love scene sila ni Kris sa Asawa  Ko, Karibal ko at ang patikim na kuwento ni Rayver tungkol dito, “Siyempre hindi naman puwedeng um-overboard dahil nasa TV tayo and hapon kami ipinalalabas. Pero maganda ‘yung eksena.”

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …