Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, pag-iinitin ang gabi ng mga kalalakihan

ISANG 2019 calendar para sa kanyang fans ang proyekto ngayon ni Andrea Torres.

“Ngayon po puwede ng mag-order,” say ng Kapuso actress.

Sexy calendar ito.

“Sexy pero tame kompara roon sa mga iba ko.

“Actually hindi pala tame, parang pareho lang doon sa mga rati kong nagawa.”

Mayroon bang month sa kalendaryo na naroon si Ratty o Ratatoskr, ang sidekick niyang creature sa Victor Magtanggol?

“Wala! Baka hindi ako pansinin, si Ratty ‘yung pansinin.

“Dapat si Ratty pinag-two piece ko, ‘no,” at tumawa si Andrea.

Mabibili ang sexy calendar ni Andrea sa halagang P850.00.

Hindi ito ipamimigay sa fans?

“Hindi po, pero kaya siya for fans kasi may promo kaming gagawin doon sa calendar para sa fans, na magkakaroon ng chance na mas parang, basta may magandang sopresa para sa mga bibili.”

Patuloy pang kuwento ni Andrea tungkol sa kalendaryo niya, “Twelve pages siya, tapos may stand siya, hindi na siya parang poster, ‘yung ano na lang, ‘yung puwede mong ilagay sa table mo, para hindi mahirap ilagay sa kuwarto, pero may version na pahaba, pero hindi na kasing laki ng poster.”

Parang table calendar ito?

“Opo, table tapos ‘yung may vertical version din.”

Maaaring um-order ng espesyal na kalendaryo ni Andrea sa www.materica.store/products/andrea-torres-2019-calendar at tiyak na mag-iinit ang gabi ng mga kalalakihan!

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …