Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN Studio, no.1 attraction sa Family is Love Media Party ng ABS-CBN (Star Magic muling pinasaya ang entertainment press)

THIS year sa kanilang media party na #FamilyIsLove ay pina-experience ng ABS-CBN sa entertainment press and bloggers ang ABS-CBN Studio sa Trinoma kung ano ang makikita at ino-offer ng studio sa mga Kapamilya.

Well, lahat ay nag-enjoy sa pagsali sa Minute To Win It, The Voice, PBB etc., na with matching merienda burger and fries sa Heroes Burger at spoiled ang press sa mga staff ni ABS-CBN Corporate Communications President na si Sir Kane Choa at Media Relation Manager Aaron Domingo.

After ma-experience nang lahat ang mga show attraction sa ABS-CBN Studio ay dumeretso na ang press sa Korean Resto na nasa Trinoma rin para sa masarap na dinner. At siyempre ang much awaited na pa-raffle na this year ay halos kalahating milyong piso ang ipinamigay at walang umuwing luhaan sa party na may entertainment pa.

Si Kapamilyang Aaron ang nag-host ng nasabing media party, na dinaluhan ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz at ABS-CBN Correspondent at Bantay Bata Program Director Jing Castañeda.

*****

Muli sa effort ng Star Magic executive na si Ma’am Thess Gubi ay nagkaroon ng bonggang pa-raffle na cash para sa lahat ng press na invited sa kanilang yearly Christmas Party.

Yes mas malaki ang ipinamigay na datung ngayong taon ni Ma’am Thess na ang laging hangad ay mapasaya ang mga reporter na sumusuporta sa lahat ng mga talent nilang artista at singers sa Star Magic.

Ang famous DJ-TV host na talent rin ng Star Magic na si DJ Jaiho ang host ng party. As usual may pa-loft bag si Ma’am Thess para sa lahat ng punong-puno ng mga pro­duktong iniendoso ng kani­lang mga alaga. At ang touching part, ang christmas greetings letter sa bawat isa ni Ma’am Thess na always thankful sa movie press.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …