Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda tiwala sa kanyang MMFF entry na “Fantastica”

MAS tripleng nakatatawa raw ang MMFF entry ngayong taon ni Vice Ganda na “Fantastica,” produced pa rin siyempre ng Star Cinema.

Lahat daw ng mga hindi pa nagagawa ni Vice sa kanyang past festival entries ay ipakikita niya sa kanyang latest movie na majority ng scenes ay kinunan sa isang perya na pinaganda ng Star Cinema.

May spoof sila ng isa sa leading man na si Dingdong Dantes ng eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa all-time highest grossing Pinoy film na The Hows of Us, naglakad siya sa bubog at agaw eksena ang name niya rito na si Bellat.

And take note, may kissing scene dito ang Gay Icon hindi lang niya binanggit kung kanino ba siya nakipaghalikan kay Dingdong ba o sa isa pang leading man na very yum­my din tulad ni Dong na si Richard Gu­tier­rez na may labasan naman ng dila nang palitan ang salitang “Mahal.”

Saka panalong-panalo din ang moviegoers especially the millennials dahil hindi lang isa kundi tatlong mga sikat na Kapamilya loveteams ang kanilang mapapanood na kinabibilangan nina Maymay Entrata -Edward Barber, Loisa Andalio – Ronnie Alonte, at Donny Pangilinan – Kisses Delavin at ang seksing actress na si Bela Padilla.

Rated Parental Guidance nga pala ang Fantastica kaya bitbit ng mga bata ang kanilang mga magulang o guardians sa sinehan. Ka-join din sa movie ang comedians na sina Chokoleit, Mc Muah, Lassy Marquez, at Juliana Parizcova at si Direk Barry Gonzales ang kanilang director na matagal na naging assistant director ng namayapang si Direk Wenn Deramas.

At kahit hindi si Direk Joyce Bernal ang nag-direk this time ng comedy movie ni Vice ay parte pa rin daw ito ng creative team at siya ang namahala sa editing.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …