Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Pusakal na tulak todas sa P3.4-M shabu, bala at baril (2 babae sugatan, 6 arestado)

PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang suga­tan sa ikinasang opera­syon nang pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Regional Drug Enforce­ment Unit ng National Capital Regional Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency (RDEU-NCRPO-PDEA) at Makati City Police, laban sa umano’y isang grupo ng mga kriminal sa Brgy. Pio Del Pilar, Maka­ti City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Agad namatay sa insidente ang suspek na si Rolando Abundo alyas Bagyo sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang dalawang kasamahan ng suspek na sina Zea Xyrille Ramos at Susan Ramos, pawang nasa hustong gulang, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Samantala, arestado ang anim pang kasama nila na sina Rixon Pantoja, Zyvastian Ramos, Danilo Dy, Roy Protacio, Leonell Lumberio at Mark Greg Lajoy.Sinabi ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, dakong 8:30 pm nang isagawa ang operasyon sa bahay ng kanilang target na si Abundo sa P. Taylo St., Barangay Pio Del Pilar ng lungsod.

Ayon kay Simon, isisilbi ang search warrant na inisyu ni Quezon City Executive Judge Cecilyn Burgos Villavert, ng mga elemento ng NCRPO at RDEU, laban kay Abundo ngunit biglang nagpa­putok ang suspek kaya gumanti ang mga pulis na kanyang ikinamatay, habang sugatan ang dalawang kasama niyang babae at nahuli ang anim na iba pa.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …