ANO nga ba naman ang nerbiyos kung para rin naman sa makikitang husay mo sa pagganap ang pag-uusapan.
Ang tiningnan ni Kim Chiu sa bagong papel na ginampanan niya sa One Great Love ng Regal Entertainment bukod sa direktor niyang si Eric Quizon ay ang pagkakataon na maging proud ang prodyuser niyang sina Roselle Monteverde at Mother Lily dahil pang-MMFF o Metro Manila Film Festival ito na ihahain sa buong pamilya sa panahon ng Kapaskuhan.
Tumaas na naman kasi ang antas ng pagiging daring ni Kim at hindi mo sasabihing mas mature na role lang ang karakter niya rito as Zyra Paez na ang involvement sa dalawang lalaki ng sabay eh, never pa niyang sinakyan sa anumang karakter niya in the past.
Love triangle with Dennis Trillo and JC de Vera.
As far as Dennis and JC are concerned, hindi naman kaila ang mga babaeng may hawak na sa mga puso nila sa tunay na buhay.
Si Kim lang ang hindi pa tiyak kung nahanap na nga ba niyang talaga si Mr. Right sa buhay niya.
Asked about their greatest love, iisa ang sagot nila na it is their family.
Si Kim naman eh, nalito sa definition ng true love at great love na aminado naman siyang nagsidaan na sa buhay niya.
Excited na ang mga tao na makita ang naiibang Kim in this project. Sa trailer kasi, may eksena siya sa bathtub sa isang yate. Mayroon din sa bedroom. At mayroon pang mga sorpresang ibibigay si direk Eric.
Ang maganda sa collaboration na ito, napagsama na naman ng mag-inang Roselle at Mother Lily ang mga artista ng dalawang TV networks para masagot din ang kahilingan ng mga tagahanga na mapagsama ang mga ito.
Na siya rin namang ramdam ng tatlong stars na magsama-sama sila sa isang maipagmamalaking proyekto.
Ang panalo eh, si direk Eric. Kasi, hindi siya nahirapan na idirehe si Kim pati na ang dalawang leading men.
“Saan ka naman nakakita ng aktres na so very hands on sa karakter niya. Bago mo pa masabi ang mga requirement mo sa kanya, as Zyra she’s done her homework. Nakagawa na siya ng peg niyang character nito na sasakyan niya sa buong pelikula. Kaya walang nahirapan. Kasi lahat gave their best. Hindi naman din kasi ako ‘yung tipo ng direktor na magdidikta na lang sa gusto kong gawin ng mga artista ko. Sila ang magtatrabaho, so it is just right na malaman ko rin their thoughts about what they are gonna do.”
Genuine and professional actors ang naging tingin sa kanila ni direk Eric.
HARDTALK
ni Pilar Mateo