Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jun Robles Lana Sarah Geronimo
Jun Robles Lana Sarah Geronimo

Direk Jun Lana, excited sa movie nila ni Sarah G.

EXCITED na si Direk Jun Robles Lana sa ididirehe niyang pelikula na pagbibidahan ni Sarah Geronimo, na makakatrabaho rin nila ang isang aso. Co-produce ito ng The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalanat ng Viva Films.

“Sobra akong excited. It’s my first time to work with her. Exciting ‘yung gagawin namin. It’s also my first project for 2019. It’s exciting kasi ang dami naming pupuntahang locations,” sabi ni Direk Jun.

Nagkaroon na sila ng look test at story conference kamakailan. Kaya tinanong namin si Direk Jun kung ano ang naging impression niya kay Sarah nang magkaharap na sila para sa pelikulang ito na wala pang titulo. ”Napaka-humble, napakatahimik, pero oras na nasa harap na siya ng camera, she’s in character. Grabe ‘yung ibinibigay niyang energy. Nakagugulat siya.”

Nagsimula na rin sila ng iba’t ibang proseso at preparasyon bago pa sumalang sa first shooting day. ”Nagsisimula na kami ngayon kasi kailangan ng training, kailangan ng bonding ni Sarah at saka niyong dog. May mga immersion kami, may mga workshop kami. Mahaba ‘yung preparation kasi medyo mahirap ‘yung role ni Sarah. It’s a role na she has never done forever. By February start na ‘yung shoot namin. Sa iba’t ibang parts ng Luzon ‘yung shooting namin.”

Hindi pa puwedeng magbigay ng iba pang detalye si Direk Jun tungkol sa pelikula pero tinitiyak niyang kakaibang Sarah ang mapapanood dito. ”Right now, all I can share is it’s an exciting film. Ang pinapayagan lang akong i-share ay it’s a special role na dapat abangan. Kasi isa siyang role na hinding-hindi pa niya ginagawa. It’s also very challenging kaya talagang pinaghahandaan namin ‘yung pelikula.”

Samantala, masayang-masaya si Direk Jun pati na si Direk Perci dahil naging maganda ang 2018 para sa kanilang The IdeaFirst Company. Looking forward na si Direk Jun sa parating na 2019.

“Sabi ko nga kay Perci, 2019 is going to be a big year for IdeaFirst Company kasi we’re becoming more aggressive, we’re becoming more ambitious. Definitely, we want to do more projects, bigger projects, more commercial hits, more TV shows, everything. We’re building an empire.”

ni GLEN P. SIBONGA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …