Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kawawang mga preso sa Bulacan Provincial Jail

MALAKING pagkakaiba sa mga preso na nakakulong sa kalakhang Maynila, higit na kaawa-awa ang nga preso sa Bulacan Provincial Jail partikular sa inmates na bihirang dalawin ng kanilang mga mahal sa buhay.
Bawat preso na nais magkaroon ng higaan ay dapat magbayad ng P4,500 hangga’t nakakulong bilang kabayaran sa “tarima” kung tawagin.
Mayroong kooperatiba sa loob ng BPJ at bawat miyembro na kasapi, kapag hindi nakababayad ay may penalty na P410.00 kada linggo.
Sakaling hindi makabayad, ang kapalit ay pagpalo ng stick na kawayan na makapal sa dalawang palad ng preso at ang bilang ng palo ay komporme sa kanilang pagkakautang gaya ng  pagkain.
Kadalasan ang utang ay galing sa mga pagkaing inirarasyon na kapag hindi gusto ng isang preso ang ulam, aalukin ng masarap na putahe tulad ng manok at baboy, pero hindi ito libre sa halip ay utang ito sa kooperatiba.
Kadalasan ay naiipon ang pagkakautang ng preso at hindi nakababayad ng tamang araw kaya bukod sa nasabing malaking interes, palo sa mga palad ang parusa.
Ang mga bigtime na preso na umano ay may posisyon na “adviser” ay nakasuot ng makakapal na gintong alahas, at magalang na sumasaludo sabay amen sa kamay ang mga preso.
Grabe din ang pustahan… kapag may laro ng basketbol gaya ng nakalipas na labanan ng UAAP Ateneo vs UP kanya-kanyang pustahan. Ibig sabihin maluwag din sa sugal at pera ang Bulacan Provincial Jail.
Kaya buhay na buhay umano ang mga opisyal ng provincial jail.
Say mo? Maniniwala ka ba na wala? Ang maging jail warden sa Provincial Jail na may mahigit 700 preso ay kalalakihan
Buhay na buhay si warden!

Isumbong mo
kay Dragon Lady
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …