Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin masipag at maraming ideas sa pagiging head think tank at director ng FJPAP (Direk Toto Natividad hindi makasabay)

KAHIT pagod at puyat itong si Coco Martin ay todo sipag siya sa pagiging main think tank (creative) at isa sa mga director ng pinag­bibidahang action-drama series na sa ABS-CBN na “FPJ’s Ang Pro­binsyano.”

At sa anggulong ito, hindi makasabay si Direk Toto Natividad na nasanay sa tipong old school na pagdi-direk at nag-i-stick lang sa script.

E, si Coco, maraming bagong ideas at gustong sumabay sa panahon at isyu na nagaganap sa lipunan. Pati nga ‘yung gumanap siyang Paloma ay ginawa ng mahusay na actor-director para makasabay sa isyu ng scam.

Masyadong perfectionist ang actor at ayaw niya sa bara-barang trabaho o sa mga tatamad-tamad. Kung siya ngang naturingang bida na ay todo-todo effort para mapaganda ang kanilang show e bakit itong si Direk Toto ay ayaw ng improvement.

Masyadong dedicated si Coco sa kanyang propesyon lalo’t galing siya sa hirap kaya bata pa lang ay nagbanat na ng sariling buto para matulungan ang kanyang pamilya.

Concern din siya sa kanyang network at sa produ­cer ng FPJAP na Dreamscape Entertain­ment ni Sir Deo Edrnal. E, baka kung umasa lang siya kay Direk Toto, wala pang isang taon, stop na sila sa ere.

Kita n’yo naman ma­hi­git tatlong taon na sa ere ang FPJ’s Ang Probin­syano bukod pa ‘yan sa kaliwa’t kanang awards, full commercial load ito gabi-gabi at consistent ang serye sa pagiging number one show sa buong bansa na naka­pagtamo na ng 51% ratings!

At ‘yan ay dahil sa hirap at propesyonalismo ni Coco, ng co-directors at lahat ng bumubuo ng FPJAP.

Kaya tama lang ang ginawa ni Direk Toto na mag-resign at magbitiw sa show at sa GMA talaga siya nababagay.

Malas naman ng Cain at Abel at isa siya sa naging directors nila na nagdedepende lang sa script at ayaw na yatang mag-evolve.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …