Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Sharon, Goma at Kathryn Graded B ng CEB

MATAGAL na hinawakan ni Sharon Cuneta ang korona bilang box office queen at naging hall of famer pa siya rito. Si Richard Gomez ay naging bankable star din at si Kathryn Bernardo naman ang itinuturing ngayong young box office star.

At pinagsama ang tatlo ng Star Cinema sa family drama movie na “Three Words To Forever.” Ang pagkakaiba lang ay si Tommy Esguerra ang partner ni Kathryn sa film at ‘di ang original na kalabtim nito na si Daniel Padilla.

Kaya malaking hamon talaga para sa mahusay na young actress ang project na ito na nakipag­tagisan siya ng pag-arte kina Sharon at Richard.

Well, sa trailer ng movie ay kitang-kita at litaw na litaw ang galing ni Kathryn at hindi siya nagpahuli sa mga beterana na sa drama na sina Shawie at Goma na mga magulang niya sa pelikula. Puwede na siyang pakawalan bilang solo star pero siyempre marami ang magre-react na fans nila ni DJ.

But in all fairness, kahit hindi kasama sa movie si Daniel ay nagpunta talaga sa Ormoc para suportahan ang kanyang girlfriend young actress.

Naku, kapano-panood talaga ang bagong obra na ito ni Direk Cathy Garcia Molina na Graded B ng Cinema Evaluation Board. Kabilang rin pala sa cast sina Liza Lorena, Freddie Webb, Joross Gamboa, etc. Kaya mga Sharon-Chard at Kath fans sugod na sa pinakamalapit na sinehan ngayong November 28.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …