Ano kaya ang masasabi ng yabangerang starlet, sa pagiging in-demand ngayon ng Ontario Toronto, Canada based filmmaker na si Direk Reyno Oposa na hinahamak niya ang pagiging laking Payatas nito.
Well, mamatay ka na lang sa inggit dahil hindi lang dito sa Filipinas may proyekto si Direk Reyno, gayondin sa Canada at hinihintay na lang ang availability niya.
Sinayang mo ang pagkakataon kung naging mabait ka lang at ‘di naging mahadera ay baka lahat ng produce na movies ni Direk Reyno ay kasama ka. Kaso kung kani-kanino mo siya siniraan kaya magdusa ka.
By the way, ‘yung mga gagawing pelikula ng kaibigan naming director na “Bahaghari Sa Alapaap” at “Dugyum (Kadiliman)” ay nakatakdang i-sumbit ni Direk Reyno sa Cinemalaya na kung papalarin ay magiging entry niya sa Cinemalaya 2020.
May gagawin rin siyang intended naman for QCinema ang Dambana at ang Hiram Na Binhi. Marami pala ang humahanga sa inilabas na trailer ni Direk Reyno ng indie film niyang “Luib” na lahat ng cast ay pawang mahuhusay. At sa ganda ng pagkakagawa nito masasabing isa na namang dekalidad na pelikula ng nasabing director.
Papasukin na rin niya ang mundo ng recording sa nakatakda niyang shooting ng music video at recording ng kantang magiging soundtrack ng kanyang film. Ito ay iko-compose ng tanyag na kompositor na si Jimmy Borja.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma