ISINUSULONG ng grupong Zcentido na kinabibilangan nina Richard Cruz (band leader/drummer), MJ Cruz (lead singer), Gary Ragay (bassist), Christoph Alday (guitarist), Joseph Jamorol (keyboardist), Patrick Blanco (trumpet), at Jericho Padilla (trombone) ang musikang Ska mula sa kanilang first album, Unang Hakbang.
Laman ng album ang limang original Ska songs, isang cover song na Mamang Sorbetero, at ang kanilang carier single na Ikaw, Ako, Tayo na inspire sa story ng bawat miyembro ng Zcentido.
Gusto ng grupong Zcentido na mas makilala pa sa bansa ang musikang Ska at mai-introduce nila ito sa mga kabataan.
Ang Ska ay nagsimula sa Jamaica noong 1950, at tunog ng pinaghalong rock at reggae. Noong 1960, mas na-develop pa ito sa Jamaica dahil may mga nai-record na kanta. Kaya naman isa sila sa ilang grupo na sumusuporta sa musikang Ska na sumali sa PhilSka Music Festival last Nov. 17 with 2 international Ska band na sina Beat Bahnhof at Red Stripes.
MATABIL
ni John Fontanilla