Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino PlayhouseAngelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino Playhouse
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino Playhouse

Zanjoe, naetsapuwera sa CarGel; Pagsabit ni Kisses sa dyip, bentang-benta

BENTANG-BENTA sa supporters ni Kisses Delavin ang pagsabit niya sa jeep sa episode ng PlayHouse kahapon, Huwebes dahil gusto niyang iwasan si Donny Pangilinan na nabuking na crush niya.

Nadulas kasi si Kisses as Shiela kay Zeke (Donny) sa sinabi niyang, ‘hindi kita crush’ base sa sinabi ng binata na, ‘alam na niya’ pero iba palang kuwento ang alam niya. Inakala kasi ng dalaga na iyon na, kaya sa hiya nagmamadaling umalis at naiwan ang sapatos at sabay sabit sa jeep.

Takang-taka naman si Zeke sa inasal ni Sheila kaya wala sa loob na dinampot ang dalawang sapatos na suot ng dalaga.

Aliw na aliw naman kami habang binabasa namin ang komento ng supporters ng dalawa sa iWant.

Anyway, hindi lang sina Donny at Kisses ang kinakikiligan ng manonod ng PlayHouse dahil sa tuwing ipakikita si Carlo Aquino kasama si Angelica Panganiban ay hiwayan to the max ang mga nanoood.

Malakas talaga ang tambalang CarGel. Paano na si Zanjoe Marudo na leading man ni Angelica sa PlayHouse? Hanggang kailan ba ang guesting ni Carlo sa serye?

Hmm, puwede namang patagalin pa lalo’t may bagong pasok na karakter sa PlayHouse, si Isabelle Daza na hindi pa malinaw kung ano ang kaugnayan niya kay Zanjoe.

Kaya habang may CarGel, si Zanjoe ay may Isabelle.

Isa pang natawa kami ay ang tambalang Smokey Manaloto at Nadia Montenegro. Aliw ang dalawa dahil feeling namin ay hindi na sila umaarte pa, parang naglalaro na lang sila sa karakter nila.

Naisip tuloy namin na hindi ba naisip ni Smokey na ligawan si Nadia, total single naman siya?

Mapapanood ang PlayHouse mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtimeat sa iWant ng libre.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …