Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
internet connection

Prankisa ng Mislatel balido at umiiral — Kamara

KINOMPIRMA ng Kamara ng mga Repre­sentante sa liham na ipinadala sa National Telecommunications Commission (NTC) na balido at umiiral ang prankisa ng Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel).

Sa liham na ipinadala ni Committee on Legislative Franchises Chairperson Franz “Chicoy” E. Alvarez sa NTC kaugnay ng kahili­ngang gabayan ito kung balido at umiiral ang pran­­kisa ng Mislatel, idiniin niya na walang kautusan ang anomang korte na nagbabalewala sa nasabing prankisa kaya malinaw na balido ito.

“To date, the Committee [on Legislative Franchises] has not received any notice of a judgment from any judicial or quasi-judicial body revoking or cancelling the franchise granted to Mislatel through R.A. 8627. In other words, Mislatel’s franchise remains valid and subsisting,” ayon sa liham ni Alvarez sa NTC kaugnay sa Republic Act No. 8627 o ang “An Act Granting the Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel), a Franchise to Con­struct, Establish, Install, Maintain and Operate Wire and/or Wireless Telecom­munications Systems in the Philippines.”

Inilinaw din ni Alvarez na base sa Committee report na ibinigay ng Committee Affairs Office noong 23 Oktubre 1997, inaprobahan ng Kamara ang aplikasyon ng Mislatel sa pamamagitan ng House Bill No. 10073 na naging batas sa R.A. 8627.

Inilinaw rin ni Alvarez na nabigo ang Mislatel na magbigay ng annual report sa Kamara sa loob ng 60 araw tuwing katapusan ng taon pero hindi ito nakaapekto sa pagkabalido ng prankisa nito.

Ang paglilinaw ng Kamara ay nagbigay-daan din upang maalis ang agam-agam ng NTC at ng publiko sa eligibility ng Mislatel na lumahok sa pagpili ng New Major Player (NMP) makaraang igiit ng isang dating opisyal ng gobyerno na ang prankisa ng Mislatel ay awtomatikong nabalewala sa kabiguang hindi makalahok sa stock market noong 2003.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …