Sunday , May 4 2025

Loaf bread P2 taas presyo (Paborito sa Noche Buena)

INAPROBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon ang P2 dagdag presyo para sa branded loaf bread.

Sinabi ni DTI Con­sumer Protection Advo­cacy Bureau director Dominic Tolentino, ang kanilang hakbangin ay bunsod ng price hike ng mga sangkap sa pag­gawa ng tinapay tulad ng arena at asukal.

Ayon sa DTI, sa P2 dagdag-presyo ay hindi sakop ang pandesal, low-cost Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Itinanggi ni Tolentino na tinangka nilang ilihim ang pagpapatupad ng price hike sa tinapay.

Habang nagulat si Vic Dimagiba, pangulo ng Laban Konsyumer ukol sa pagtaas ng presyo ng branded loaf bread na umabot sa P62 hang­gang  P64 kada 600-gram pack.

Ito ay dahil walang abiso ang DTI hinggil sa dagdag-presyo sa tina­pay.

Magugunitang iniha­yag ng millers nitong nakaraang buwan na walang pagtaas sa presyo ng wheat.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …

Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, …

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

ANG FPJ Panday Bayanihan Partylist, sa pangunguna ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, …

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *