Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?!

Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa o maghintay ng mga nagkakamali para makipag-ayos sa kanila?!

‘Yan po ang P600 to P1,000 question na gusto nating ibato sa Pasay ASBU dahil sa reklamo ng mga motorista.

Supposedly, ang papel ng ASBU ay magbantay ng mga sasakyang mauusok para bigyan sila ng babala na kapag naulit ay papanagutin na sila.

Pero mukhang mayroong mga sumasalisi sa ilang ASBU members.

Mayroon kasing reklamo na nakarating sa inyong lingkod, na itong mga ASBU ay nagbabantay lang at kapag nakakita ng mausok, “Pong, huli ka!”

Mahina po ang P600 kapag nakahuli ng ‘smoke blerchers’ ang ASBU.

Kung truck ang kanilang matitiyempohan, naku hindi P600 ‘yan, mahigit P1,000 ang singilan.

Mantakin ninyo, mga sasakyang diesel ang madalas na inaabangan ng mga ASBU.

Bakit diesel? S’yempre mausok talaga ‘yun.

Kapag truck ang nadadale nila, may dalawang option lang. Tanggalan sila ng plaka o umareglo sa mga ‘kinatawan’ ng Manila Police District?

Alin ang pipiliin ng truck drivers sa dalawa?, ‘E di maglagay na lang.

Sana lang ay matapos na ang kalbaryo ng mga motorista dahil sa ASBU. Aba ‘e mahirap namang seryoso sila sa paghahanapbuhay pero kapag namataan ng ASBU, dakip agad?!

Panahon na po para busisiin ang ASBU!

COMELEC:
WALANG MASAMA
SA PAGTAKBO NI ALAN
AT LANI SA TAGUIG

ANG Commission on Elections na mismo ang nagsabi na walang illegal o masama sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa unang distrito ng Taguig at ng kanyang asawa na si Lani sa ikalawang distrito ng parehond lungsod.

Malamang ang inihain na petisyon laban sa mag-asawa ay pawang paninira ng kanilang mga kalaban na takot harapin sila sa eleksiyon. Tama ba?

Inilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang panayam sa radio, kamakailan lamang, walang masama sa pagtakbo ng mag-asawa sa magkaibang distrito. Ipinaliwanag niya na hangga’t mapapatunayan nila na mayroon silang tirahan sa distrito na kanilang tina­takbuhan ay walang illegal or mali sa kanilang kandidatura.

Noong nakaraang linggo, lumabas ang petisyon na ninanais ipawalang bisa ang Certificates of Candidacy ni Alan at Lani dahil umano sa magkaibang address na inilagay nila samantalang sila ay mag-asawa.

Tinawag naman na ‘mababaw’ ang argumento ng nagrereklamong abogado ng mga Cayetano na si Atty. George Garcia.

Ayon kay Garcia, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng maraming tinitirahan sa magkasabay na panahon base na rin sa election law doctrines at sa Supreme Court.

Tumatakbo ang mag-asawa “not because they wanted to get the best of both worlds but that’s what the law allows, not because we wanted to take advantage of the law but because that is the wish of the people of Taguig,” dagdag ni Garcia.

Tinawag niyang mababaw masyado ang reklamo laban sa mga Cayetano at siguradong hindi ito uusad.

Tama rin ang sinabi ni Atty. Garcia na ang isang tao ay pwedeng magkaroon ng maraming tirahan “at the same time.”

“Si dating Foreign Affairs secretary Cayetano ay tubong Bagumbayan. His domicile of origin, ang pinanggalingan niya talaga, is Bagum­bayan, District 1, where he is running for a seat in the House of Representatives.”

Samantala si Taguig mayor Lani naman ay nakasaad na ang kanyang domicile ay sa The Fort sa District 2 ng Taguig.

“Ang ibig sabihin, Senator Alan Peter Cayetano can run, can be voted upon and can vote in the first district, and Mayor Lani Cayetano can run, can vote and be voted upon in the second district,” dagdag ni Garcia.

Saad ng abogado, hindi ibig sabihin na ang magkaibang domiciles ay magkaiba na rin ng tirahan bilang mag-asawa. Wika niya ang kanilang conjugal residence ay sa The Fort.

Malinaw ang paliwanag ng abogado ng mga Cayetano, walang mali sa pagtakbo nilang dalawa. Marami lang sigurong mga kalaban sa politiko at kritiko nila ang hindi matanggap na mahal na mahal sila ng Taguig dahil sa kanilang mga nagawa sa pag-unlad ng syudad at ng mga tao.

Hindi maikakaila na ang laki ng ipinagbago ng lungsod simula nang umupo si Lani Cayetano bilang alkalde noong 2010.

Dahil sa kaliwa’t kanang paninira sa mga Cayetano, hindi mapigilan ng mga taga-Taguig na masaktan dahil alam nila sa puso nila na walang ibang nagawa ang mga nasabing lider sa ikabubuti ng mga tao at ng Taguig.

Pinagmumukha umanong walang nagawa at politika lamang ang habol ng mga Cayetano sa Taguig pero ayon sa mga residente ang kanilang mga katunggali sa eleksiyon ang totoong halimbawa ng political dynasty.

Ang Cerafica-Dueñas-Tinga triad umano ang tawag sa tatlong pamilyang nagsanib at gustong makuha ang pamamalakad sa Taguig. ‘Di ba dapat nga, mga ganitong dynasty na walang maayos na track record at panay paninira lamang ang alisin ng Comelec?

Kung iisipin, wala naman ‘atang nagawang maayos sa Taguig ang mga pamilya noong sila pa ang nakaupo. Tama ba? Panay droga at kriminalidad and naririnig ng mga tao. Hindi ‘ata ito ang gustong pamumuno ng mga tao sa Taguig. Doon palagi sa may nagawa na at may ginagawa pa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *