Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JM de Guzman Rhian Ramos Kung Paano Siya Nawala
JM de Guzman Rhian Ramos Kung Paano Siya Nawala

Rhian, may ipinangako kay JM

NANGAKO si Rhian Ramos kay JM de Guzman na lagi siyang nariyan para sa aktor matapos silang makabuo ng magandang pagkakaibigan mula sa una nilang pagtatambal sa, Kung Paano Siya Nawala  directed by Joel Ruiz and produced by TBA Studios.

“Well, sinabi ko naman sa kanya na I’ll always be there for him. Huwag siyang mahihiya to say kung may kailangan siya or kung may kailangan siyang sabihin na hindi niya masabi sa iba. Huwag siyang mahihiya kasi ganoon ‘yung naging relationship namin during shooting. Hindi porke’t tapos na ‘yung shooting, mahihiya na siya sa akin,” sabi ni Rhian.

Nag-enjoy din si Rhian sa pakikipagtrabaho kay JM bilang co-actor at co-producer ng movie. ”It was a pleasure working with JM. I really felt his passion and dedication for his work. And we really developed a good relationship on set. Whenever I shoot a big scene, I freak out because I want to do a good job. But with JM, I just have to look at him and I already know what I will do. He gives me that confidence. We have become such good friends and it helped us both on the movie set and beyond.”

Samantala, itinuturing naman ni JM si Rhian na isang kaibigan na pangmatagalan.

Ayon nga sa aktor, ”’Yung mga tipo ni Rhian for keeps po siya eh. ‘Yung katulad niya ang dapat na tine-treasure bilang isang kaibigan.”

JM de Guzman Rhian Ramos
JM de Guzman Rhian Ramos

Inilarawan pa ni JM si Rhian bilang, ”very generous and very giving actress.”

Dagdag pa niya, ”Madali siyang ka-work. Sobrang passionate. Pagdating sa set, hindi ka mag-aalala kasi alam mo na kapag may mistake ka mayroong sasalo sa iyo. Ganoon ‘yung relationship namin sa work.”

Ang Kung Paano Siya Nawala ay tungkol sa istorya ni Lio (JM), isang lalaking may sakit na face blindness o hindi niya mamukhaan ang taong dati na niyang nakilala. Mai-in love si Lio kay Shana (Rhian), isang free-spirited girl na may misteryo at sikretong itinatago sa buhay.

Napapanood na ang Kung Paano Siya Nawala sa mga sinehan nationwide simula kahapon, Miyerkoles, November 14.

ni GLEN P. SIBONGA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …