Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bonus, cash gift ng gov’t workers kasado na

MATATANGGAP na ng mga kawani  ng gobyerno sa buong bansa simula ngayon, ang kanilang 14th month pay o year-end bonus, maging ang kanilang cash gift.

Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buong suweldo ng mga kawani habang ang cash gift ay P5,000.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diok­no, ang year-end bonus at cash gift alinsunod sa budget circular no. 2016-4, ay dapat ibigay simula sa 15 Nobyembre.

Samantala, ang 13th month pay at iba pang benepisyo, kabilang ang productivity incentives at Christmas bonuses, ay exempted sa tax kung hindi ito lalagpas ng P90,000 batay sa Republic Act 10963 o TRAIN law.

Para sa taong ito ng 2018, naglaan ang DBM ng kabuuang P29.7 bil­yong pondo para sa year-end bonus ng civillian personnel at panibagong P6.5 bilyon para sa mili­tary at uniformed per­sonnel (MUP)

Samantala, naglaan din ang DBM ng P5.6 bil­yon para sa P5,000 cash gift ng civilian personnel at P1.7 bilyon para sa cash gift ng MUPs.

Bukod sa mga bonus na ito, sinabi ni Diokno na asahan pa ng mga kawa­ni ang matatanggap na productivity enhance­ment incentive na ipala­labas ng DBM simula 15 Disyembre.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …