Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Road rage’ suspect arestado (Driver ng FJ Cruiser ‘8’)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Ares­tado ang suspek sa viral road rage na gumagamit ng plakang 8, makaraan manapak ng isang lalaki sa Angeles City, kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay PRO3 director, C/Supt. Ama­dor Corpus, nadakip ang suspek na si Jojo Valerio y Serafico, 30, business­man/singer, residente sa Morris St., North Delton Communities, Quezon City, sa ikinasang hot pursuit operation nang pinagsanib na puwersa ng Central Luzon PNP, sa Tarlac City, makaraan ang kanyang gig.

Habang kinilala ang biktimang umano’y sina­pak ng suspek, na si Jesu­sito Palma, 26, nakatira sa Friendship Highway, Anonas, Angeles City.

Batay sa report ng pulisya, dakong 1:30 am nang magkainitan sina Valerio, sakay ng kanyang FJ cruiser na may congress­man protocol plate 8, at si Palma, na lulan ng kanyang mina­manehong kotseng Toyo­ta.

Ito ay makaraan uma­nong mag-overtake si Palma sa suspek sa harap ng Dainty restaurant sa McArthur Highway sa Balibago.

Bunsod nito, sinapak umano ng suspek ang biktima at pagkaraan ay tumakas.

Si Valerio ang sinasa­bing suspek sa nangyaring road rage sa Congres­sional Avenue sa Quezon City habang minamaneho ang FJ Cruiser na may plakang 8, na nag-viral sa social media.

Ayon sa mga imbes­tigador, hindi siya ka­mag-anak ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin II.

Kasalukuyang iniim­bestigahan ng pulisya kung paano nagkaroon ng No.8 license plate ang suspek.

Siya ay nahaharap sa kasong grave threat, serious physical injury, abuse and usurpation of authority at paglabag sa traffic rules.

ni RAUL SUSCANO

Recall ng plakang 8 iniutos

Recall ng plakang 8 iniutos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …