Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Alessandra De Rossi Empoy Marquez
Paolo Contis Alessandra De Rossi Empoy Marquez

Alessandra, nagpakalbo; Through Night and Day, ikinompara sa Kita Kita

MARAMI ang nagulat sa ginanap na premiere night ng pelikulang Through Night & Day nang tumambad sa lahat ang kalbong Alessandra De Rossi kasama ang kanyang leading man na si Paolo Contis.

Isa kasi ito sa magiging highlight ng movie na nagpakalbo si Alessandra dahil kinailangan sa eksena. Kaya naman maraming kapatid sa panulat ang humanga at pumuri sa ginawa ng aktres at nagsabing tunay talagang aktres ang dalaga.

Suportado ni Empoy Mar­quez ang kanyang naging leading lady sa blockbuster movie na Kita Kita sa Red Carpet Premiere ng Through Night and Day na Rated PG and Graded A ng MTRCB.

Ang Through Night & Day ay produce ng Viva Films, Misschief Production Inc., at Octo Arts Films na palabas na simula ngayong araw, Nobyembre 14.

Karamihan sa eksena ay kinunan sa Iceland at ang 1/4 naman ay sa Baguio City. Napakaganda ng pagkakalahad ng istorya ng pelikula at pagkaka-direhe. Napakahusay ng pagkakaganap ng mga pangunahing bituin. Tatawa’t iiyak ka sa mga eksena, mai-inlove, mamamangha sa ganda ng Iceland at revelation dito ang husay ni Paolo bilang dramatic actor.

Ikinokompara rin ang Through Night and Day sa Kita Kita pero mas marami ang nagandahan at humanga sa pelikulang pinagtambalan nina Assunta at Paolo.

Ilan sa celebrities na dumalo at nanood sina Ana Capri , Assunta De Rossi, Marion Aunor, Alysa Buenaobra, Gerdon Day, Gerald Napoles, Orly Ilacad, Heart Evangelista, LJ Reyes atbp..

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Daniel, KZ, at Jameson, target ni Jermae Yape

Daniel, KZ, at Jameson, target ni Jermae Yape

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …