Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
stairway to heaven footbridge Mount EDSA biyaheng langit footbridge
stairway to heaven footbridge Mount EDSA biyaheng langit footbridge

‘Stairway to heaven’ footbridge idinepensa ng MMDA (Sa Kamuning)

HINDI para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at mga buntis ang napakataas na footbridge sa EDSA-Kamuning sa Que­zon City kundi sa mga able-bodied pedestrians, ayon sa  Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA).

Inihayag ito ni MMDA General Manager Jose Arturo “Jojo” Garcia Jr., makaraan mag-viral sa social media ang retrato ng footbridge at binira ng ilang netizens ang sobrang taas na footbridge na ‘incon­venient’ sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens  at mga buntis.

Dagdag ng opisyal, ginawa ang naturang foot­bridge dahil sa ilang aksi­dente na kinasangkutan ng mga pedestrian na tumata­wid sa EDSA.

“We need to know the purpose for the design of the footbridge. Sa lugar na ‘yan marami nang aksidente, tumatawid ang tao pumu­punta sa ilalim. Ang daming nahoholdap diyan. Kaya naman inilagay ‘yan para may option ang tao kaysa makipagpatintero sa mga kotse at kay kamatayan, may footbridge riyan,” pa­ha­­yag ni Garcia.

Ang pangunahing layu­nin aniya kung bakit itinayo ang naturang footbridge ay para sa kaligtasan ng mga tumatawid na pedestrian.

“The main purpose of the footbridge is for people to safely cross on the other side of the street. The foot­bridge provides maximum comfort for pedestrians,” ayon kay  Garcia.

Nabatid na ang natu­rang steel footbridge ay ginawa  sa EDSA-Ka­mu­ning, na may siyam metro na mas mataas sa power lines ng MRT-3. Nasa P10 milyon ang budget sa pagpa­pagawa ng footbridge at plano itong lagyan ng escalator, at inaasahang matatapos sa 15 Nobyem­bre 2018.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …