Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rolando Andaya Jr kill attempt
Rolando Andaya Jr kill attempt

Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)

NAGKAROON ng ko­mosyon sa tanggapan ng Commission on Elec­tion sa Camarines Sur nang pagtulungan ng mga tao ang isang lalaking arma­do umano ng baril at nagtangkang lumapit kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na maghahain noon ng kaniyang Certificate of Candidacy, kamakalawa.

Ayon sa ulat, sinabing pinagtulungan ng mga tao ang lalaki na maha­wakan at mapigilan dahil nagtangka raw bumunot ng baril.

Ngunit mariing iti­nang­gi ng lalaki na sa kaniya ang nakuhang baril at nagpakilalang miyem­bro siya ng Civil Security Unit ng kapitolyo.

Nasa lugar lang uma­no siya para manood ng mga nangyayari sa labas ng Comelec.

Nang mangyari ang insidente, nakatakdang maghain ng COC si Andaya para tumakbong gobernador ng Camarines Sur.

Makakalaban ni An­da­ya ang kasa­lukuyang gobernador ng lalawigan na si Migz Villafuerte.

Sa hiwalay na ulat, sinabing bago maisakay sa police mobile ang lalaki, isang lalaking nagpakilalang pinuno ng CSU ng kapitolyo ang nagsabing tauhan niya ang inarestong lalaki.

Ayon kay Andaya,  kasalukuyang House Majority leader sa Ka­mara, sinabi sa kaniya ng kaniyang security aide na matagal na umano siyang minamanmanan ng nahuling lalaki.

Mahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang nasabing lalaki.


Ambush kay Andaya nabigo
Ambush kay Andaya nabigo
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …