Monday , November 25 2024

Biyaya huwag sayangin

Sadyang mapalad ang dalawa-katao na maghahati sa P1.18-bilyong panalo sa UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office na lumabas noong gabi ng Linggo (Setyembre 14, 2018) .
Ang 6 na numerong masuwerte ay 40-50-37-25-01-45.
Ang panalong P1.18B ay pangalawa pa lamang sa UltraLotto nitong taon. Ang una ay noong Pebrero 15, 2018 at P331M ang jackpot na napanalunan ng dalawang katao.
Record-breaking ang UltraLotto jackpot dahil sumampa ito sa bilyong piso kumpara sa P741.1M sa GrandLotto jackpot na napanalunan ng taga-Olongapo City, Zambales noong Nobyembre 29, 2010.
Ang mga tinamaan ng suwerte  sa UltraLotto ay mula sa Legazpi City, Albay at Borongan, Easter Samar. Alam natin na ang Borongan ay isa sa lubhang tinamaan noon ng delubyo dala ng bagyong “Yolanda” noong Nobyembre 2013.
Para sa dalawa, sana’y magamit nila sa tama ang mahigit tig-P400 milyon nilang salapi; at ‘wag maging “one-day millionaire” dahil sa bisyo. Kung hindi man marunong o walang kaalaman kung paano i-negosyo ang salapit ay kumuha sila ng eksperto upang sila ay magabayan. Pero mag-ingat din sa mga manggagantso.
Ang mahalaga na kadalasan ay nakakalimutan dahil sa nalula sa limpak-limpak na salapi ay ang pagkawanggawa sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.
Mahalaga din na unang alamin ang inyong seguridad, ibig sabihin hindi niyo kailangang ipangalandakan na kayo ay may mahigit P400M na napanalunan.  Magtungo ng tahimik sa PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Dapat magdala kayo ng dalawang tamang ID.
Pagdating sa PCSO ay tahimik din lang at magtanong kung saan kayo puwedeng magpa-validate ng tangan niyong Lotto ticket. Tahimik pa rin hanggang sa mapasaiyo na mismo ang tseke hanggang sa pagpasok mo sa LandBank sa first floor ng gusali.
Ilalabas mo sa bangko ng buong cash na iyong napanalunan na mahigit P400M? ‘Wag kang magbiro ng ganyan, ilalagay mo sa peligro ang iyong buhay. Maglabas lamang ng halagang kailangan mong panggasto, pampasalubong, at pambalato.
Hindi lang ang dalawa ang masuwerte sa UltraLotto jackpot kundi panalo din ang mamamayan.
Sa aking estimasyon, dahil wala pa akong hawak na datos na pagbabatayan, baka  halos P4 bilyon ang kinita ng UltraLotto mula Enero hangang Oktubre 14. Dahil nakuha na ang jackpot, magsisimula uli ang pot money sa P50M.
Para sa kaalaman ng lahat, 30% sa kinita sa UltraLotto ay napupunta sa pondo ng Charity Fund ng PCSO.
Samakatuwid, sa buong kita ng PCSO sa mga palaro nitong Lotto, Digit Games, Sweepstakes at Small Town Lottery (STL), 55% ang napupunta sa Prize Fund, 15% sa Operating Fund, at 30% sa Charity Fund.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *