Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fely Guy Ong Krystall Filipino Inventors Society FIS
Fely Guy Ong Krystall Filipino Inventors Society FIS

FGO ginawaran sa FIS 75th anniv ng Exemplary Service Award

KAGABI, ipinagdiwang ng Filipino Inventors Society (FIS) ang ika-75 anibersaryo o Diamond Anniversary sa Manila Hotel.

Ang inyong lingkod po ay nanunungkulang National Director ng FIS sa kasalukuyan. Sa gabi ng pagdiriwang, tayo po ay ginawaran ng Exemplary Service Award.

Lubos po tayong nagpapasalamat sa buong organisasyon lalo kina FIS President, Inv. Manuel Dono at Chairman, Inv. Benjamin Santos.

Panauhing pandangal si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato “Boy” dela Peña, at nagsilbi namang punong abala si dating senador at Manila Hotel President and Chairman, Joey Lina.

Napaka-generous na host ni dating senador Lina dahil ipinagkaloob niya sa nasabing pagdiriwang ang isa sa pinakamagandang function room sa Manila Hotel. Bukod diyan, walang sawa niyang inaliw ang mga miyembro at bisita ng FIS sa pamamagitan ng pag-awit.

Sa mga susunod na araw, tututok ang FIS sa mga gawaing magbibigay ng katuparan sa tema ng pagdiriwang na: “Harnessing the power of invention in improving lives and building stronger economy.”

Muli, happy anniversary sa Filipino Inventors Society  (FIS) at kudos kina President Dono and Chairman Santos.

Mabuhay FIS!

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …