Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa mabilis na palit-kulay mag-gluta overdose (Unsolicited advice kay Madam Gluta)

NAHUHULI raw ang isda sa sariling bibig. Kaya nga dapat huwag sunggab nang sunggab sa pain kung ayaw ng isdang maging sardinas.

Ganyan ang eksaktong nangyari kay Ang Mata Party-list Rep. Trisha Nicole Catera.

Mukhang overwhelmed si Congresswoman Trish Catera habang nagpapa-Glutathione drip kaya hindi napigilan ang sarili na mag-selfie at i-post sa kanyang social media account.

‘Yan tuloy, dahil sa kanyang post, inireklamo tuloy siya sa Ethics Committee at lalong nag-alboroto ang kumukuwestiyon sa kanilang party-list.

Ang ipinagtataka naman natin kay Madam Trish, bakit naman kailangan pang i-post sa social media ang pagnanasa niyang mapalitan ang kanyang kulay?!

Hindi ba niya minahal ang kanyang kulay na kayumangging kaligatan o morena?! Hindi ba niya alam  na kinaiinggitan ang ganyang kulay?!

O baka naman, gustong iparating ni Ang Mata party-list Rep. Catera na dahil sa ‘masidhi’ niyang paglilingkod sa kanilang constituents, e hindi na siya makapunta sa mga beauty center or beauty clinics kaya roon na lang siya nagpapa-Gluta drip sa kanyang tanggapan sa Batasan Complex?!

By the way Madam Congresswoman, ilang beses ba ang session ninyo ng Gluta drip? Three sessions a week ba ang Gluta drip ninyo with Collagen, Vitamin C and anti-aging?

Baka masyadong matagal ‘yan bago kayo ‘pumuti.’ Unsolicited advice lang po Congress­woman,  para hindi masyadong maabala ang pagdalo ninyo sa tunay na session sa Kamara, mag-overdose na kayo ng ‘Gluta drip.’

‘Yan, garantisado ‘yan, lahat  ng guhit  at marka ng kaitiman sa katawan ninyo maglalaho. Walang magiging bakas na minsan kayong naging kayumangging kaligatan.

Isa pa pong unsolicited advice, dahil nakikita at nararanasan na rin naman ninyo ang iba’t ibang problema at kabutihan ng pagpapa-Gluta drip, palitan na rin ninyo ang party-list ninyo. Gawin na ninyong ‘Gluta’ party-list.

Tiyak ang mga susuporta diyan sa inyo, ‘yung mga suking-suki ng Gluta drip.

‘Yung mga nagpapalit ng kulay dahil ayaw na nilang maalala o makita sa salamin ang mga dati nilang hilatsa.

‘Yung mga dating hilatsa na nagpapaalala kung ano sila noon, at kung sino-sino ang mga ‘tinapakan’  para mapunta sa kinaroroonan nila nga­yon.

Sana naman ay hindi ganyan ang layunin ni Ang Mata party-list representative Trish Catera kung bakit siya nagpapa-Gluta.

At ang huli nating unsolicited advice, kung masaya na nakalulusot ang ‘Gluta session’ sa Kamara, habang pinasusuweldo ng sambayanan at ginagamit ang opisina ng gobyerno para sa pagpapaganda, e huwag ma-overwhelm sa pa­ma­magitan ng pagpo-post sa social media na parang iniinggit ninyo ang constituents ninyo.

In the first place, nariyan kayo sa Kamara hindi para magpaganda at magmaganda kundi guma­wa ng mga batas na makatutulong sa mamama­yan at pag-unlad ng ating bansa.

Nandiyan kayo sa Kamara hindi para sa pag-unlad ng mga hilatsa, kulay at bulsa ninyo! Kaya mahiya kayo!

Sana sa susunod, konsensiya naman ang inyong paputiin!

Good luck, Ms. party-list representative!

‘Yun lang po…

JUN BERNABE 
MAGBABALIK
SA PARAÑAQUE

MAINIT na pinag-uusapan sa Parañaque ang kinasasabikang pagbabalik ni dating Mayor Florencio “Jun” Bernabe.

Magbabalik siya ngayong 2019 local election at muling aagawin kay Mayor Edwin Olivarez ang pamu­muno sa Parañaque.

Kung hindi tayo nagkakamali, mananatili si ex-mayor Jun sa partidong LAKAS CMD — ang partido ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Magiging bise alkalde niya ang natalong si Jeremy Marquez, anak ni dating Mayor Joey Marquez. Tatapatan ni Jeremy ang kasalu­ku­yang vice mayor na si Jose Enrico “Rico” Golez.

Katiket din nila ang aktor na si Boyet de Leon na kanilang itatapat kay District I Rep. Eric Oliva­rez.

Kaya ang sabi ng mga taga-Parañaque, mabigat ang labanan ngayon.

Hindi puwedeng tawaran ang kampo nina Bernabe dahil alam nang lahat na nakakamada lang ang kanilang pondo.

Alalahanin na tatlong beses rin naging alkalde si ex-mayor Jun.

Hindi rin puwedeng ismolin ang kanyang achieve­ments dahil marami rin siyang nagawa sa Parañaque.

Kumbaga sa hapag-kainan, mamimili ang mga taga-Parañaque sa mga putaheng naka­hain sa kanilang hapag.

Pero ano nga itong naririnig natin? Lalong humihigpit ang laban dahil si Mayor Olivarez ay sa umpisa lang daw magaling?!

Totoo ba ‘yan?

Hmmn… umuusok na agad ang halalan, abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *