Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
paul lee kiefer ravena

Lee, inangkin ang PBA POW

PINATUNAYAN ni Paul Lee na siya pa rin ang kilalang ‘Leethal’ Weapon ng liga matapos sungkitin ang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week para sa petsa 24-30 Setyembre 2018.

Ito ay matapos ang kan­yang dalawang sunod na pagliyab upang buhatin sa dalawang sunod na tagumpay ang Hotshots sa nakalipas na linggo.

Nagrehistro ng 25 puntos, 3.5 assists, 2.5 rebounds at impresibong 3.5 steals si Lee sa dalawang panalo ng Mag­nolia na nasa tuktok ngayon ng team standings hawak ang 4-1 kartada.

Nagtala ang Gilas Pilipinas player ng 22 puntos, 7 assists, 2 rebounds at 4 steals si Lee sa malaking 92-76 panalo ng Magnolia kontra sa dati niyang koponan na Rain or Shine noong nakaraang Miyerkoles.

Apat na araw lang ang makalipas ay giniyahan naman ni Lee ang Hotshots tungo sa 109-108 come-from-behind win kontra sa sibling rival na San Miguel noong nakaraang Linggo.

Ang dating Rookie of the Year din ang nagsalpak ng pamapanalong jumper sa huling segundo upang magta­pos sa 28 puntos, 3 rebounds at 3 assists.  Ginapi ng dating UE Red Warriors standout na si Lee ang kanyang kakampi sa Magnolia na si Ian Sangalang, Larry Fonacier ng NLEX, Terrence Romeo ng Talk ‘N Text at Scottie Thompson ng nagdedepensang kampeon na Barangay Ginebra. (JBU)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …