Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

Drug personality, 1 pa tiklo sa parak

BAGSAK sa piitan ang isang lalaking kabilang sa drugs watchlist at kanyang kasama nang maaktohang bumabatak ng ilegal na droga sa isang apartment sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.
Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Vicente Dineros, nasa drugs watchlist, 43, may asawa, tint installer, at residente sa Champaca St., Brgy. 137, Zone 15, Pasay City, at Vicente Valencia, 53, tint installer, nakatira sa Buli St., Brgy. Cupang, Muntinlupa City.
Base sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may pot session sa loob ng apartment na tinutuluyan ni Dineros, dakong 5:05 ng hapon.
Naabutan ng mga pulis sa lugar ang dalawang suspek na abala sa paggamit ng ilegal na droga na agad nilang ikinaaresto.
Nakompiska mula kina Dineros at Valencia ang dalawang selyadong pakete ng hinihinalang shabu, isang bukas na pakete ng naturang droga, at drug paraphernalia. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …