Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Meralco Bolts FIBA
Meralco Bolts FIBA

Bolts, maninilat sa semis

SASAMANTALAHIN ng Meralco Bolts ang sorpresang semi-final appearance kontra sa unbeaten na Petrochimi ng Iran para sa tsansang makapasok sa Finals ng 2018 FIBA Asia Champions Cup sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand ngayon.

Magaganap ang knockout semis match sa 7:00 ng gabi na ang magwawagi ay aabante sa kampeonato ng Champions Cup kontra sa mananalo sa isang semis bracket sa pagitan nang wala rin talong Alvark Tokyo ng Japan at SK Knights ng Korea.

Nakapasok sa semis ang Bolts sa kabila ng malamyang 1-2 kartada bunsod ng mas mataas na quotient sa mga katablang Mono Vampire ng Thailand at nagdedepensang kampeon na Al Riyadi ng Lebanon.

Ito ay matapos ang malaking 96-63 tagumpay nila kamakalawa ng gabi kontra sa Al Riyadi na sa wakas ay nagpasiklab na para sa Bolts ang mga lokal na manlalaro.

Hirap sa unang dalawang laro nito kontra sa Mono Vampire at sa Alvark Tokyo, sa wakas ay lumabas na ang tunay na laro ng local support ni head coach Norman Black sa katauhan nina Garvo Lanete, KG Canaleta at Anjo Caram na nagpukol ng 20, 18 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Malaking tulong iyon para sa imports na sina Diamond Stone at Allen Durham na nagpaubaya muna sa ngayon sa 20 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, matapos maiuwi sa wala ang mga una nilang malakas na performances kontra sa Mono at Alvark.

Aasahan ni Black na magpapatuloy iyon ngayon kahit pa kontra sila sa malakas na Petrochimi na binubuo halos ng buong national team ng Iran bukod kina Nikka Bahrami at Hamed Haddadi.

Sa pangunguna ng bigatin pang Iran national team players na sina Arzalan Kazemi Naeni, Sajjad Mashayeki and Mohammad Jamshidi Farabadi, halos hindi pinawisan ang Petrochimi sa Group A phase campaign nang tambakan ang mga karibal sa average winning margin na 29.5 puntos.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …