Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

Sanya at Derrick, palaban sa daring love scenes sa Wild and Free

MARAMING eksenang naka­pag-iinit at kaabang-abang ang pelikulang Wild and Free na tinatampukan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez. Teaser pa lang ng sexy-romance movie nina Derrick at Sanya ay matin­di na agad ang patikim sa mga nakakikiliting eksena ng mga bida rito.

Sa presscon nito ay nata­nong si Derrick kung sa pala­gay niya ay ma­galing si Sanya bilang lover, considering ami­nado ang magandang aktres na member siya ng club NSSB or No Boy­friend Since Birth.

“Siguro si Sanya is really good in bed, or magaling lang talaga siyang artista. Pero I think she is,” saad ng actor.

Dahil nga aminadong virgin pa, inusisa rin ang 22 years old na aktres kung paano niya naga­wang realistic ang mga maiinit nilang love scene rito ni Derrrick?

“Kailangan you do it with love. That’s exciting, that’s sexy, wild and free,” aniya.

Wika ni Sanya, “Maybe I am sensual by nature. Although we had some workshops before we started. I admit that I am still a virgin. But to act realistically on my character, I have to learn this from watching videos that can arouse my sensuality.”

Pero bukod sa kaseksihan ng dalawang Kapuso stars, mas kaabang-abang ang maiinit na love scenes rito nina Sanya at Derrick, kabilang ang lampungan nila sa loob ng kotse!  ”Mahirap ‘yung scene, kasi masikip sa loob ng car. Pero inihanda ko na ang sarili ko rito, gustong- gusto ko ‘yung natututo ako and nag-i-improve.

”Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami.”

Hatid ng Regal Enter­tain­ment, nagpa­silip ng kanyang alin­dog at kaseksihan dito si Sanya at hindi naman nagpahuli si Derrick sa kanyang magan­dang katawan at abs.

Ang Wild and Free ay mula sa pama­mahala ni Direk Connie Macatuno at showing na ito sa October 10.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Ced Torrecarion, na-challenge sa musical play na The Lost Sheep
Ced Torrecarion, na-challenge sa musical play na The Lost Sheep
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …