Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Krystall Herbal Oil at Nature Herbs Tea buong pamilya’y hiyang na hiyang

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Artemio Francisco ng Singalong, Malate, Maynila. Dual citizen na rin po ako … meaning Filipino and Senior Citizen… he he he … joke lang po. Dati po akong seaman, pero matagal nang nagretiro at nagbukas na lang kami ng maliit na sari-sari store para may pagkuhaan ng panggastos sa araw-araw.

Nakatapos na rin po sa pag-aaral ang apat naming anak at dalawa sa kanila ay mayroon nang sariling pamilya at maayos ang trabaho nila.

Sumulat po ako sa inyo sa HATAW para ikuwento ang mga tulong na nagagawa sa aming pamilya ng KRYSTALL herbal products.

Halos five years na po kaming gumagamit nito. Una po naming nakita ang KRYSTALL Herbal Oil sa isang gawain sa Luneta. Nakita po kasi ni misis na mayroong mga bumibili at ‘yung iba naman habang nakaupo ay nagmamasahe sa kanilang ulo.

Kaya ang ginawa po ni misis, bumili rin ng nasabing langis. Pero habang pumipili siya ng langis ay nakita rin niya ang KRYSTALL Nature Herbs.

Bumili po siya pareho. Pagkagaling namin sa gawain ay agad na nagpapahid si misis ng langis sa likod sa ulo, sa bewang hanggang sa binti at paanan.

Ganoon din po ang ginawa niya sa akin. Aba nakapagpahinga po kami agad at paggising namin ay magaan na magaan ang aming kata­wan.

Bandang tanghali naman po pagkatapos namin mananghalian ay ininom namin ang KRYSTALL Nature Herbs.

Aba, alam mo ba Sister Fely, isang buwan pa lang namin deretsong iniinom ang KRYSTALL Nature Herbs at ginagamit ang KRYSTALL Her­bal oil ay nawala na ang pamimitig ng kan­yang paa at ako naman ay ang panlalamig ng aking likod.

Maraming salamat po sa Diyos at sa mga taong kagaya ninyo na patuloy na gumagawa ng paraam upang makatulong sa tao.

Salamat po,
ARTEMIO FRANCISCO
Singalong, Malate, Maynila

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …